6 months later....
Steven's POV
Hindi ko mapigilan ang mapabuntong-hininga habang nakatingin sa misis kong naka busangot ang mukha na nakatayo sa harap ko.
"Mahal naman. Ginising mo ako para dyan?" medyo inis na tanong ko sa kanya dahil sa nakulangan ako sa tulog. Nanatili naman akong nakahiga dito sa kama habang nakatingin sa kanya na nakatayo parin sa harap ko habang nalahalukipkip.
"Eh gusto ko ngang kumain non! Kaya bumangon kana dyan dali! Wag kang tamad!" sigaw nya bago ako hilain patayo pero hindi ako nagpatinag. Gusto ko pang matulog hindi dahil sa tamad ako kundi dahil napuyat ako.
"Ang aga-aga pa, mahal. Anong oras palang." sabi ko bago magtalukbong ng kumot pero sadyang makulit talaga ang lahi ng misis ko dahil agad nyang hinila ang kumot kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang unan sa tabi ko at itakip ito sa mukha ko. Inaantok pa talaga ako pero ayaw nya akong hayaang matulog.
"Eh gusto ko ngang kumain ng ube! Gusto ko yung kulay pink!" sigaw nya bago ulit hilain ang unan na nakatakip sa mukha kaya inis akong napaupo at nakipagmatigasan ng tingin sa kanya pero mukhang wala sa bokubolaryo nya ang salitang sumuko.
"Ube na kulay pink?! Violet ang kulay non hindi pink!" inis na sabi ko habang nakatingin sa kanya pero nagpamewang lang sya sa harap ko at tinaasan ako ng kilay.
"Aba't anong pake ko kung kulay violet yon?! Basta pink ang gusto ko. Kahit anong kulay basta pink." sigaw nya at hindi ko naman mapigilang masabunot ng buhok ko at iritadong tumingin sa kanya. Ayokong magalit sa kanya dahil nga sa buntis sya at syempre mahal ko sya. Pero saan ako makakakita ng ubeng kulay pink?
"Mahal, saan naman ako makakakita non?" tanong ko sa kanya at tinaasan naman nya ako ng kilay.
"Hindi ko alam. Pero gusto ko ng ubeng kulay pink!" sigaw ulit nya kaya napabuntong-hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya.
"Bakit ube pa? Ayaw mo ba ng kamote?" tanong ko dahil parang nakakita kasi ako ng kamoteng kulay pink nung nakaraan. Baka pwedeng yun nalang. Pero mukhang ayaw nya dahil agad syang umiling-iling kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo mula sa kama at hanapin ang tsinelas ko.
"Tch. Kahapon nagpahanap ka ng pinakamaasim na bayabas pero sa huli ako din naman ang kumain tapos ngayon ubeng kulay pink naman?! Ano ba'yan mahal, kabuwanan mo na pero naglilihi ka parin?" wala sariling tanong ko habang nagsusuot ng tsinelas. Naglakad naman ako palapit sa kanya at hinalikan sya sa noo bago hawakan ang tyan nyang may kalakihan pagkatapos ay sunod ko itong hinalikan.
"Mahal, yung ubeng kulay pink." sabi nya ulit kaya napakamot nalang ako ng ulo bago umayos ng tayo.
"Oo na po. Magbubungkal na ako mamaya pero sa ngayon kumain muna tayo okay?" sabi ko at agad naman syang tumango-tango kaya natawa nalang ako. Agad ko namang hinawakan ang kamay nya at inalalayan sya sa paglalakad at sa pagbaba ng hagdan.
Agad kaming tumungo sa kusina kung saan nadatnan namin si Liam na kumakain sa lamesa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko bago ipaghila ng upuan si Lindsey at inalalayan syang umupo.
"Nakikikain ako." sagot nya kaya agad naman akong napasimangot. Nagkaroon pa kami ng palamunin dito. Pero ayos lang naman dahil may kapalit naman lahat ng kinakain nya.
"Mahal, gusto kong tumabi kay Liam." rinig kong sabi ni Lindsey kaya taka akong napatingin sa kanya. Maging si Liam ay natigil sa pagsubo ng dahil sa narinig nya.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...