♥Chapter 55: Drop like a bomb

446 21 0
                                    


Lindsey's POV

Halos isang linggo na ang nakakalipas matapos ang araw na'yon. Dahil hindi ko aakalain na iiyak sya sa mismong harapan ko. Hindi ko inaasahan na may itinatago din pala syang ganun.

Na kaya rin pala nyang umiyak sa harap ng iba. Ang pagkakaalam ko kasi halos lahat ng lalaki ay madalang magpakita ng ganung emosyon dahil para sa kanila ay pagpapakita iyon ng kahinaan.

At akala ko pagkatapos ng araw na'yon ay sasabihin na nila sa akin kung anong problema pero hindi pala. Dahil mas lalo pa silang naging ilap at busy nitong mga nagdaang araw pati ngayon. Pwera nalang kay Steven dahil madalang nalang syang lumabas nitong mga nagdaang araw dahil sa kimprontasyon na'yon. Ramdam nya siguro na nanghihinala na ako sa kanya kaya nanatili nalang sya dito.

Pero kahit nandito sya sa mansion o di kaya'y kasama nya ako ay busy parin sya dahil mas madalas na nyang kaharap ang laptop nya kesa sa akin pero hindi naman ako nagrereklamo dahil ano namang karapatan ko?

Kaya naman gumawa rin ako ng paraan para mailibang ang sarili ko sa pamamagitan ng palihim na pag-iimbestiga sa mga Chua.

Ayoko basta-basta nalang baliwalain ang ginawa nila kaya gumawa ako ng paraan kahit alam kong kakagalitan na naman ako ni Papa. Ano pa bang bago? Palagi naman syang galit sakin kaya lubos-lubusin ko na.

At totoo nga ang sinasabi ni mama na sangkot ang mga Chua sa ilang illegal na business. Ayon naman sa nalaman ko mula kay Jayred na tinutulungan ako nasasangkot din daw ang mga Chua sa pagsusuply ng illegal na droga. At ang mali pa ay hindi man lang sila hinuhuli ng mga pulis. Pero may isang pamilyang alam kong pwedeng makatulong sa amin.

Ang pamilya ng mga Shen.

Ayon kay Jayred, ang pamilyang yon daw ang may kakayahan na tumugis sa mga demonyong yon. Kumbaga ang mga Shen ang anghel at ang mga Chua naman ang demonyo.

Mahigpit na magkalaban.

Parang Yin at Yang lang.

Kaya pala ganun nalang ang pag-uugali ng Mei na'yon. Masangsang. Dahil galing pala sya sa angkang puno ng baho. At hindi ko sila hahayaan. Hindi ko sila tatantanan. Dahil ako ay... IMBESTIGADOR!

Saka gusto kong kumpirmahin kung may kinalaman ba sila sa nangyari 17 years ago. At kung mayron man talaga silang kinalaman hindi na nila ako mapipigilan. Ako nang gagawa ng paraan para pagbayarin sila. Kahit labag sa batas.

"Ma'am ito na po ang pagkain." napatingin naman ako sa katulong na naglapag ng pagkain sa harap ko at doon ko nagpagtantong si Aling Delaila ang kaharap ko.

Gaano ba ako katagal na nakatulala at hindi ko sya napansin?

Tinitigan ko syang mabuti at mukhang napansin nya yon kaya taka syang napatingin sa akin. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung sinong kausap nya noon sa cellphone nya. Kung sino sya. Masyado syang nisteryoso. Nung nakaraan nga nakita ko syang lumabas ng hating-gabi sa mansyon at mukhang may kausap ulit sya. At mukhang importante yon.

"Ma'am may kailangan pa po kayo?" tanong nya at tipid nalang akong ngumiti sa kanya.

"Nothing. You may go now." sagot ko at tumango naman sya at ngumiti bago umalis. At sinundan ko naman sya ng tingin at napabuntong-hininga nalang ng hindi ko na sya matanaw pa.

Magsisimula na akong kumain ng marinig ko si Steven na pababa na ng hagdan. Alam kong sya yan dahil kaming dalawa lang naman ang nandito. Kaya alam na alam kong sya yan.

"Mahal, kumakain kana pala." aniya nya at umupo sa tabi ko.

"Malamang." bulong ko at napairap nalang. Hindi parin nawawala ang inis ko sa kanya. Pero konti nalang naman. Mga 10% pa siguro. Pero kapag hindi ko sya matansya talagang itutusok ko sa kanya ang hawak kong tinidor.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon