Lindsey's POV
Spell boring. B-O-R-I-N-G
Wala akong magawa ngayon at mas lalong wala akong kasama. Hindi ko nga alam kung bakit parang busy sila ngayon.
Sila tito at tita may inaasikaso sa kompanya nila. Si Stephanie naman may pinuntahan kasama si Lance. Akala ko nga family bonding nila pero iniwan naman nila ang kambal sa mga yaya nila.
Tapos si Steven may aasikasuhin din daw sa labas. Tinanong ko kung ano pero ang sabi nya lang ay importante daw yon. Pilit akong sumasama sa kanya pero ayaw nya. Pinagalitan pa nga nya ako eh.
Kaya nganga ako ngayon. Kainis yung mga yon. Hindi man lang sinasabi kung saan sila pupunta. Pero pansin kong nagiging busy at aligaga sila nitong mga nakaraang araw. At don mas lalong tumibay ang hinala kong may maling nangyayari pero ayaw nilang sabihin sa akin.
Pakiramdam ko tuloy wala akong kwenta. Dahil pati si mama ay hindi na ako kinakausap at tinatawagan nitong mga nagdaang araw. Kapag ako naman ang tatawag ay hindi nya sinasagot o di kaya naman ay sasabihin nyang may inaasikaso sya kaya hindi nya ako maharap.
Lahat nalang sila may inaasikaso
Kung may problema sila sana naman sabihin nila hindi yung nagmumukha akong tanga na nagpupumilit tulungan sila. Parang pinapamukha lang nila sa akin na wala akong maitutulong. Na wala akong kwenta kaya mas magandang wala nalang akong gawin dahil naiistorbo ko sila.
Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang magalit dahil alam ko namang may dahilan sila kung bakit ayaw nilang sabihin sa akin pero nakaka-walang kwenta kasi ng ginagawa nila.
Kahit na malakas ang pakiramdam kong kasali ako sa dahilan kung bakit sila nagiging busy ngayon pero hindi ko mapin-point kung ano. Masyado silang ilag sa akin lalo na kapag nagtatanong ako. Kaya alam kong may tinatago sila. At alam kong hindi lang basta-basta ang pinagkakaabalahan nila. Ramdam ko.
Nawiwirduhan din ako kay Steven. Palagi nalang tinatanong kung may tiwala daw ba ako sa kanya. Minsan naman sasabihin nya na magtiwala daw ako sa kanya palagi.
Seriously?! Ano namang connect ng tiwala sa mga pinagkakaabalahan nila?
Pero imbes na magtiwala mas lalo pang nananaig ang hinala. Hindi naman nya kasi sasabihin ang mga salitang yon kung walang problema. Pwede naman kasi nila akong sabihan kung anong meron pero mas pinili pa nilang itago yon.
Ganun ba talaga kaimportante ang bagay na pinagkakaabalahan nila ay ayaw nila akong makialam. O baka naman iniisip nilang magiging pabigat lang ako?
Napabuntong-hininga nalang ako bago tumayo mula sa pagkakahiga sa kama para maligo. Pupuntahan ko nalang siguro si Mama para kamustahin sya. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na uupo at tutunganga nalang kahit alam kong may mali.
Hindi ko lang alam kung gusto akong makita ni Papa don. Alam nyo naman na siguro kung bakit hindi ba?
Minadali ko na ang pagligo ko at nagsuot nalang ako ng skinny jeans at simpleng off shoulder na damit. Pagkatapos ay agad akong bumaba ng hagdan at agad naman akong sinalubong ng ilang mga katulong.
"Ma'am, saan po ang punta nyo?" tanong ng isa sa kanila pagkababa ko.
"Kila Mama lang po."
"Pero ma'am, kabilin-bilinan po ni Sir Steven na wag po kayong umalis ng mansion." ani ulit ng isa na kinakunot ng noo.
"At bakit naman?" tanong ko at nagkatinginan naman sila.
"Yun po kasi ang bilin samin ni Sir." sagot nila kaya napabuntong hininga nalang ako. Bakit pakiramdam ko ako nalang ang walang alam?
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...