Lindsey's POV
Tanging kalansing lang ng mga kutsara at tinidor ang naririnig dito sa hapag. Walang umiimik. Walang gustong magsalita pero ramdam kong may mali dahil sa bigat ng awra ni papa. Alam kong may hindi magandang nangyari o nangyayari kaya ganito kabigat ang atmospera na nakapalibot sa amin. At hindi ko gusto yon.
Napilitan akong kumain kahit wala akong gana dahil niyaya ako ni Mama na makisabay sa kanila na sana hindi ko nalang ginawa. Sana hindi nalang ako sumabay sa pagkain.
Siguro nalaman ni Papa yung nangyari sa mansion kaya heto ako ngayon. Naghihintay na sermonan at pagalitan nya. Inihahanda ko na nga ang sarili ko sa mga masasakit na salitang sasabihin nya sakin.
Siguro sasabihin nyang ang tanga-tanga ko. Na sana nagpabuntis na rin ako para hindi na magkaroon pa ng problema. Ganun siguro ang umiikot ngayon sa utak ni Papa.
Kaya hindi sya nagsasalita ay baka dahil iniipon nya pa lahat ng galit nya at kapag umabot na sukdulan saka nya yon ilalabas lahat. Ibubunton nya yon sakin dahil ako naman ang palaging dahilan ng sakit ng ulo nya. Ako nalang ang palaging pabigat sa kanya.
Ako nalang ang palaging nagiging dahilan ng malas sa buhay nila.
Napukaw naman ang atensyon ko ng marinig kong tumikhim si Mama kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Lindsey, anak. Pupunta daw dito si Ianna." sabi ni Mama at nangunot naman ang noo ko. Ano namang gagawin dito ni Ianna? Wag mong sabihing nag-away sila ni Kenzo at naglayas din sya katulad ko? At ano namang pag-aawayan nila? May ginawa na naman bang ka-engotan ang pinsan ko?
"Bakit daw po?" tanong ko at mas lalo akong nagtaka ng biglang ngumiti si Mama ng napakalawak.
"May good news daw syang sasabihin sayo." sagot nya at napatango nalang ako kahit nagtataka. At bumalik naman ulit ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
At ano naman kayang good news ang sasabihin ni Ianna? Pwede naman nyang itawag or itext nalang sakin. Pero curious rin ako kung anong good news yan.
Buti pa si Ianna sobrang swerte sa buhay samantalang ako sobrang malas ko na nga ang dami pang nadadamay. Tch.
"So how are you while you're in Lazaro's mansion?" napatigil naman ako sa pagsubo ng marinig ko ang tanong ni Papa kaya taka akong napatingin sa kanya habang nakanganga bago ibaling kay mama ang tingin ko. Baka kasi sya ang kinakausap ni papa. Kaya ibinalik ko naman ang tingin ko kay papa na patuloy lang sa pagkain. Ako bang kausap nya o ano?
"A-ako po?" tanong ko at dahan-dahang tinuro ang sarili ko. Nag-angat naman ng tingin sa akin si Papa at seryoso akong tinignan. Kinakamusta nya ako? Bago toh ah.
"Is there something wrong?" seryosong tanong nya at napalunok nalang ako ng laway bago umiwas ng tingin at sumagot.
"W-wala po. S-saka okay naman po ako don. Wala naman pong problema." liar! Wala daw problema. Gustong kong sampalin ang sarili ko ng dahil sa sinabi ko. Tch. Sinong niloko ko? Ang laki-laki ng pinoproblema ko tapos sasabihin kong wala lang.
"Then what are you doing? Kung walang problema bakit ka nandito?" napayuko nalang ako ng dahil sa tanong ni Papa. Hindi na ba ako pwede dito? Hindi na ba ako pwedeng umuwi? Bakit pakiramdaman ko pinapaalis na nya ako dito at ayaw na nya akong pabalikin pa?
"Never mind. No need to answer." aniya bago tumayo at naglakad pero agad din syang huminto samantalang ako nanatiling nakayuko at inihahanda ang tenga ko sa mga susunod nyang sasabihin na maaring makasakit sak---
"Mabuti naman bumisita ka. At mas maganda kung dumito ka muna." napa-angat naman ako ng tingin dahil sa sinabi ni Papa. Magsasalita palang sana ako pero hindi pa pala sya tapos. "Baka nagiging pabigat kana sa kanila." dagdag nya at muli akong napayuko.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...