♥Chapter 41: Mistaken

646 28 4
                                    

Stephanie's POV

Nandito kami sa labas ng resort. Plano kasi naming mag bonfire tutal hindi pa naman tapos ang celebration ng birthday ng mga anak ko. Pina-assemble at pinaayos ko narin ang mesang paglalagyan ng makakain namin mamaya. Gawa narin ang bonfire at itong iniihaw naming barbeque nalang ang hinihintay.

"Hey." tawag sakin ni Steven na may dalang lalagyan ng nalutong barbeque. Nginitian ko naman sya at tinulungan naman nya ako sa pagtuhog sa mga natitirang karne para sa barbeque.

"Bakit ka nandito?" tanong ko at pinaypayan ang mga iniihaw ko.

"Kasi wala ako doon." sagot nya at tinignan ko naman sya masama. Ang ayos ng tanong ko tapos sasagot sya ganun?!

"Gusto mong ikaw ang gawin kong panggatong sa bonfire?! Ha?!" inis kong tanong sa kanya at tumawa lang naman sya. Napapadalas ata ang pagtawa at pagngiti ng kambal ko? Dahil siguro kay Lindsey. Sabagay ganyan din naman ako noong nakilala ko si Lance. Yieeee. Kilig ang lola nyo!

"Nga pala, nasan ang kambal?" tanong nya habang tumitingin sa paligid. Mukhang iba ata ang hinahanap nya eh.

"Ayun oh, kasama ni Lindsey." turo ko malapit sa puno ng niyog kung saan nakaupo sila Lindsey sa buhangin. Agad namang lumingon ang kambal ko kaya natawa nalang ako. Ang bilis eh. Parang tanga.

"Nakikipagkwentuhan sya kila Alfred at Liam. Naku! Bantayan mo ang dalawang yan, mukhang nagkakagusto ata kay Lindsey." saad ko habang nakatingin parin sa pwesto nila Lindsey. Nakangiti pa ang dalawa habang nakikipag-usap kay Lindsey.

"May girlfriend na ang dalawang yan kaya hindi na sila dapat bantayan. Ang problema ko lang ay limang ugok na'yon. Sarap ipa-salvage." aniya sabay turo sa pwesto nila Gael na malapit rin sa kinaroroonan nila Lindsey.

"Mukha nga." natatawang saad ko dahil iba kung makatingin ang limang ugok kay Lindsey. Mukhang naka-glue na ata ang mga mata sa pwesto ni Lindsey eh. Ma-puwing sana sila. Halos hindi na kasi sila kumukurap.

"Sarap nilang tuhugin! Kung sila nalang kaya ihawin ko?!" natatawa ako sa ginagawa ng kambal ko dahil halos panggigilan na nya ang karneng tinutuhog nya. Makakain pa kaya yan.

"Hayaan mo na. Kilala mo naman si Lindsey diba? Mahirap yang bolahin at mas lalong hindi basta-basta mauuto yan." natatawang saad ko at totoo naman. Kakaiba talaga yang si Lindsey pero gustong-gusto ko sya dahil sa pagiging kakaiba nya. Sya lang ang kilala kong hindi takot magsabi kung ano mang gusto niyang sabihin, it's either makasakit sya o hindi basta masabi nya ang naiisip nya at kung anong opinyon nya o tama para sa kanya.

She's a sweet girl and at the same time she's sassy and classy too. She's tough but too fragile inside. Marami na akong nalaman tungkol sa kanya at sapat na dahilan na siguro yon para sabihin kong hindi sya basta-basta.

"She's unique." rinig kong bulong ng kambal ko habang parang tangang nakatitig kay Lindsey na nakangiti. Iba talaga pag inlove... Tsk.. Tsk...

"Hoyyy! Yang tinutuhog mo! Dalian mo para matapos na! Dahil baka ikaw ang tuhugin ko! " sigaw ko at halatang nagulat naman sya. Tulala ehh.. Pagpatuloy nya naman ang pagtuhog gaya ng inutos ko sa kanya at nang matapos sya ay tinulungan naman nya ako sa pag-ihaw.

"Si Raphael pala? Hindi ko pa yun nakikita simula ng pagkababa natin ng bus kahapon. Alam mo ba kung saan nagpupunta yon?" tanong ko habang inaayos ang mga lutong barbeque sa lalagyan.

"Nasa paligid lang yon. Naghahanap ng kwebang pwedeng pasukan. Kilala mo naman yon, libo-libong kweba na ang napasukan non. " natatawang saad ni Steven. Kung sino si Raphael? Malalaman nyo rin. Wala rin yong pinagkaiba kay Steven. Babaero.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon