♥Chapter 24: The Choice

787 40 4
                                    

Stephanie's POV

Nandito kami ngayon sa hospital kung saan dinala sina Lindsey at Chloe. Lahat kami dito ay nag-aalala kanina pero para kaming nabunutan ng tinik sa dibdib ng sinabi ng doctor na okay lang si Lindsey. Sa kanilang dalawa kasi ni Chloe ay siya ang may pinaka maraming galos at makikita mo talagang sya ang pinag-initan ni Mei. Halos wala kasing makikitang sugat kay Chloe maliban nalang sa pasa nya sa kamay na mukhang nakuha nya sa mahigpit na pagkakatali sa kanya. Hindi gaya ni Lindsey na may tama ng baril sa braso at mga pasa sa ibat-ibang parte ng katawan nya pero mabuti nalang at walang nangyaring masama sa kanilang dalawa. Halos dalawang araw silang hawak ni Mei. Pero nahanap naman namin sila sa pamamagitan ng pag-track sa signal ng cellphone ni Mei na ginamit nya sa pantawag kay Steven. Masyado din kasing kampante ang babaeng yon pero malas lang namin dahil nakatakas sya kasama ng iba pa nyang kasama.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Lindsey para bantayan sya dahil hanggang ngayon ay hindi parin sya nagkakamalay. Ang sabi ng doctor ay baka dahil sa pagod at halos dalawang araw na walang kain kaya nawalan sya ng malay. Idagdag mo pa ang tama ng bala sa braso nya. Hindi naman daw yon malalim pero mabuti nalang daw at nadala sya agad dito dahil maari syang maubusan ng dugo na maaaring ikapahamak nya.

Si Steven naman, ayun nasa kwarto ni Chloe. Maybe he already made his choice pero hindi ko na kasalanan kung sakaling mabubog sya ng asawa ni Chloe. Hindi kasi yon sumama sa pagrescue kina Chloe dahil hindi nya pwedeng iwan ang anak nya pero papunta na'yon ngayon kaya bahala si Steven kung maabutan sya don.

Napatingin naman ako kay Tita Leia na namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak ng malaman nya ang nangyari kay Lindsey pero ang nakakapagtaka lang ay wala dito si Tito Edward. Wala na talaga syang paki sa anak nya? Nag-iisang anak lang nila si Lindsey pero hindi ko nakitang pinapahalagahan nya ito.

Halos lahat naman kami ay natahimik ng naming gumalaw si Lindsey at napangiti nalang kami ng makita naming may malay na sya.

"Buti naman at gising kana." ani ni Jayred at lumapit kay Lindsey. Buti pa sya nandito kaysa sa gunggong kong kapatid na maski anino ay hindi mahagilap. Pero wala akong magagawa at hindi ko na mababago kung ano mang desisyon nya. Lumapit din naman kami kay Lindsey para kamustahin sya.

"Ano hija? May masakit ba sayo? Sabihin mo at tatawagin na namin ang doctor." alalang tanong ni Mama kay Lindsey dahil halos lahat kami ay mag-alala sa kanya. Nakita naman namin ang pag-ngiwi nya kaya mas lalo kaming lumapit sa kanya.

"Ahmmm Y--yung tyan ko po humahapdi na d-dahil sa gutom." nanghihinang sagot nya at nakahinga naman kami ng maluwag.

Akala ko kung ano na....



Lindsey's POV

Ang sabi ko ay nagugutom na ako pero hindi ko sinabing iwan nila akong mag-isa dito. Dahil kung may pinaka ayaw man akong lugar ay yon ang ospital. Pakiramdam ko kasi ay hindi nila ako pinapagaling dito, parang sila pa yung pumapatay sa akin kaya ayoko dito. At gusto ko nang lumabas kanina pero pinigilan nila ako. Sakal na sakal na ako sa atmospera ng ospital na ito. Wala kang ibang maaamoy kundi ang gamot na kumalat na sa hangin. Parang nahihirapan tuloy akong huminga dahil hindi ako sanay dito. At kanina pa ako hindi mapakali sa kamang hinihigaan ko, baka kasi ilang tao na pala ang namatay sa kwartong ito. Naalala ko tuloy yung pinag-uusapan nila kanina na may gumagala daw na multo dito.

Hindi ko alam pero kanina pa ako nanlalamig at hindi ko alam kung anong problema nang mga yon at iniwan nila akong mag-isa. Pwede namang may mag-stay sa kanilang isa para bantayan ako. Pero wala, walang nagpaiwan sa kanila dahil para silang mga kabayong nagsitakbuhan para ibili ako ng makakain. Kala mo naman isang bandehado ang kakainin ko at lahat sila umalis.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon