Lindsey's POV
Kanina pa ako nagmumumok dito sa kwarto ko. At hindi ko na binalak pang lumabas para kumain dahil sa nangyari kanina. Sa mga nasaksihan ng mga mata ko na ayaw kong paniwalaan lalo na ng puso ko. Sinasabi ng UTAK ko na 'Tama na, masasaktan ka lang ulit ng dahil sa kanya kaya mas magandang layuan mo na sya. Dahil kapag si puso ang pinili mong sundin ay magiging tanga ka na naman.'
Pero salungat naman ang sinasabi ng puso ko sa sinasabi ng utak ko. Dahil ang sinisigaw ng PUSO ko ay 'Bakit mo sya lalayuan kung mahal mo naman?Mas magiging tanga ka kung mas pipiliin mong iwasan ang taong hindi mo kayang iwan. Mas magiging tanga ka kung hindi mo pagbibigyan ang sarili mong magmahal ulit.'
Diba ang gulo? At sobrang gulo pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Pero ano namang magagawa ko kung sinabihan na nya akong iwasan sya? Na ituring nya namin ang isat-isa na hindi magkakilala? At kalimutan ko na daw sya?
"Simula ngayon hindi na kita kilala at hindi mo narin ako kilala"
Ayan ang mga salitang tumatak sa isip ko. Mga salitang hindi ko inaasahan. Tang*na nya! Gago sya! Edi sana hindi na sya nag-confess pa ng punyet*ng feelings na sinasabi nya. Akala ko ba kaya nyang ipakita sa akin na kaya nyang magbago? Pero bakit ganun? Hindi man lang tumagal ang isang araw may inuwi agad syang babae?
Ganun na ba talaga ako kadaling sukuan? Hudas sya! May patanong-tanong pa sya ng 'Bakit? Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan, na mahal kita?' pero kalokohan lang pala ang lahat! Akala ko ba sincere sya pero bakit ganun?! Para nyang nakalimutan ang sinabi nya!
May pakanta-kanta pa sya ng Can't take my eyes of you eh charot lang pala sa kanya ang lahat! Putcha sya! Mabaog sana sya!
Akala ko kasi....
Akala ko totoo lahat ng mga sinabi nya. Lahat ng mga binitawan nyang salita nung nakaraang gabi. Akala ko na totoong may nararamdaman na sya sa akin pero napaglaruan na naman ako. Kamukha ko ba si Barbie?
Pero feeling ko mas kamukha ko si Barney.
Tch. Putspang buhay toh! Ang gulo na nga ng buhay ko pati ba naman ang love life ay komplikado?!
Kaya eto ako ngayon nakaupo sa lapag habang yakap-yakap ang tuhod ko at ipinatong ko naman ang noo ko dito. Wala eh, ito lang naman ang alam kong gawin. Nasasaktan ako eh. Parang tinusok ng isang libong thumbtacks ang puso ko. Ramdam na ramdam ko eh. Masakit.
Ang sabi ni Stephanie okay lang daw ang makaramdam ng sakit dahil ibigsabihin daw nito ay buhay kapa. Pero nakakapagod din. Nakakapagod din ang makaramdam ng sakit. Mas pipiliin ko pa ngang mamatay nalang para hindi na ako makaramdam non. Sa totoo lang napapagod narin akong mabuhay.
Pagod na ako.
Nalinawan nga ako sa sinabi ni Stephanie pero pakiramdam ko naging malabo ulit ng makita ko sya kanina na may kasamang ibang babae.
Sabagay kasalanan ko naman. At mas okay siguro kung sisihin ko ang sarili, kung sisihin nya ako dahil yun naman talaga ang nararapat sa akin.
Narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko kaya agad akong napatingin dito na nasa tabi ko. At matipid naman akong napangiti dahil sa nakita kong numero at pangalang naka-rehistro dito. Kaya agad ko naman itong kinuha at sinagot.
"Jayred." malamyang bati ko pagkasagot ko ng tawag.
"Hi, baby ko! Sorry kung ngayon lang ulit ako nakatawag sa'yo." napangiti nalang ako ng marinig ko ang boses nya. Bakit ko nga ba nakalimutan na may isang tao pa palang nagpapahalaga sa akin. Ganun na ba ako ka-distracted kay Steven kaya nakalimutan kong mayron pa palang Jayred na nasa tabi ko?
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...