♥Chapter 52: Sundate

455 25 0
                                    


Lindsey's POV

"Ubos na ba?" tanong ni Steven habang inaabutan ako ng wipes na kinuha nya sa kotse. Agad ko namang kinuha ang inaabot nya at siningahan yon.

"Ano ba kasing iniyakan mo?" tanong nya ulit habang nakaupo sa tabi ko dito sa bench. Nandito kasi kami ngayon dito sa kalapit na park ng simbahan.

"Wala ka nang pake don. Tsaka bakit ka nandito? Diba may date pa kayo ng haliparot mong admirer?" inis kong tanong at tinitigan sya ng masama. Nakita ko naman ang pagngiti nya bago ako harapin.

"Bakit naman ako sasama dun kung nandito ka naman?" sagot nya at pinisil ang pisngi ko. Aray ko putik! Bakit ba pisngi ko ang palaging pinanggigilan nila? Anong meron sa pisngi ko.

"Sus! Gustong-gusto mo kayang may lumalandi sayo!" bulyaw ko sa kanya at tinampal ang kamay nya at napabitaw naman sya.

"Oo naman. Gustong-gusto ko." sagot nya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Hanep ahh. Inamin talaga.

"Tignan mo! Sayo na mismo nanggaling!----"

"Magpapalandi ako basta sayo. Alam mo Mahal, kahit ilang babae pa ang magpakita sa akin ng interes dyan, sayo parin ako kasi ikaw ang mahal ko. Kaya wag kanang magselos." aniya at ilong ko naman ngayon ang pinagdiskitahan nya. At anong nagseselos? Hindi ako nagseselos! Nagseselos ba ako? Selos ba yon?

"Ulul! Anong nagseselos?! Tsaka tigilan mo nga yang ilong ko! Pango na nga lang tapos mas lalo mo pang pinapango. Hustisya naman!" bulyaw ko pero ang gago mas lalo pang diniinan ang pagkakapindot sa ilong ko.

"Ilong pala toh. Akala ko doorbell. Hahaha. Ding-dong! Ding-dong!" natatawang saad nya habang pinagtri-tripan ang ilong ko kaya wala akong nagawa kundi ang kagatin ang daliri nya. Naalala ko tuloy si Father kanina. Imbes kasi na isubo nya sa akin ay nilagay nalang nya sa kamay ko. Mukhang nadala na.

"Aray!" sigaw nya ng mabitawan ko ang pagkaka-kagat ko sa daliri nya. Pasalamat pa sya at hindi dumugo.

"Psh! Umalis ka na nga! Magsama kayo ng babaeng yon tutal sya naman ang kinampihan mo!" inis kong sabi at hinablot ang supot ng wipes mula sa kanya. Punasan ko lang mukha ko baka mamaya may sipon na namang nagkalat.

"Mahal, hindi ko sya kinampihan. Ayaw lang kitang mapahiya sa harap ng iba, lalo na't nasa simbahan tayo kanina." paliwanag nya kaya palihim naman akong napairap. Hindi ko sya sinagot sa halip ay pinagdiskitahan ko nalang yung wipes nya. Pinunit-punit ko nga.

Tinalikuran ko rin ang pwesto nya kaya narinig ko naman ang buntong-hininga. Ang dami nya pang satsat. Gustong-gusto rin nya naman yung nangyari kanina.

"Mahal, makinig ka kasi sa akin." ani nya at hinawakan ang isang balikat ko pero agad kong tinampal ang kamay nya kaya wala syang magagawa kundi ang bitawan ako. Ramdam ko ang pagtayo nya dahil katabi ko lang sya. Siguro aalis na sya at iiwan nya ako dito. Al----

"Mahal." nagulat nalang ako ng bigla syang sumulpot sa harap ko.

"Ano?!" pasigaw kong tanong ng dahil sa gulat. Umupo naman sya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Tumingala naman sya sa akin bago ngumiti kaya napairap nalang ako.

"Mahal, kapag ba sinampal ko ang babaeng yon kanina magiging masaya kaba? O pipigilan mo ako?" tanong nya at napatigil naman ako. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin din sakin.

"A-ano bang klaseng tanong yan?" inis kong tanong sa kanya.

"Just answer me, mahal. Magiging masaya kaba o pipigilan mo ako?" pag-uulit nya ng tanong nya habang nakatingala parin sa akin. At napayuko nalang ako.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon