♥Chapter 68: Gone

427 20 1
                                    

***Continuation of Flashback***

Steven's POV

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng sigaw. Minulat ko naman ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting ceiling ng dating kwarto ni Lindsey dito sa mansion. Dito nga pala ako natulog kagabi.

Napatitig nalang ako sa ceiling bago mapait na ngumiti. Panibagong araw na naman para sa akin na wala sya dito sa tabi ko. At panibagong sakit at hirap na naman ang iindahin ko. Pero alam kong walang-wala tong sakit na'to kumpara sa nararamdaman nya ngayon.

Napahikab nalang ako bago yakapin ang unan na palaging niyayakap ni Lindsey kapag nadadatnan ko syang natutulog dito. Pakiramdam ko sya ang yakap-yakap ko ngayon dahil naaamoy ko ang pabango nya sa unan na'to.

"Hindi nyo talaga makita?!" rinig kong sigaw ni Stephanie mula sa labas ng kwarto. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at naglakad palabas. At saktong nakita ko naman si Stephanie sa pintuan ng kwarto ko na aligagang palakad-lakad ng pabalik-balik.

"Ano na naman bang problema mo?!" inis kong tanong bago magpamulsa at bagot syang tinignan. Napatigil naman sya sa pabalik-balik na paglalakad at gulat akong tinignan.

"Saan ka ba nagpunta?! Kanina pa kita hinahanap?!" sigaw na tanong nya at galit akong tinignan. Bored ko namang tinuro ang dating kwarto ni Lindsey kung saan ako nanggaling. Nakita ko namang napahilamos sya ng mukha at bakas ang pinaghalong inis at galit sa ekspresyon nya.

"Ang tagal kitang hinanap pero nandyan ka lang pala?! Punyeta naman!" inis na sabi nya at halatang may problema. Na naman.

"Ano bang meron?" tanong ko pero sa totoo lang napapagod na ako dahil sa sunod-sunod na problemang dumadating. Gusto ko nang sumuko pero tuwing naiisip ko sya, hindi ko magawa.

"She's gone." sagot nya at nagtaka naman ako sa ibig nyang sabihin.

"What?"

"Yaya Delaila is gone. Magpapahanda dapat ako ng pagkain para sa mga bata kanina pero hindi ko sya makita kahit saan." tarantang sagot nya at natigilan naman ako.

"Baka naman may pinuntahan lang." seryosong sabi ko pero umiling-iling lang sya.

"Wala na lahat ng gamit nya." sagot nya at ako naman ngayon ang napahilamos ng mukha. Problema nga toh dahil malaki ang posibilidad na sa kalaban sya kumampi. Pero ang tanong, bakit?

"Nasabi mo na ba toh kila Tito?" tanong ko at umiling naman sya bilang sagot.

"Pero pupunta daw sila dito dahil may ipapagawa sila sa'yo." sagot nya na kinainis ko. Ano pa bang dapat kong gawin?!

"At bakit ako na naman ang gagawa?!" may bahid ng inis kong tanong sa kanya. Napasuklay nalang ako gamit ang mga daliri ko dahil sa iritasyon.

"Dahil alam nilang ikaw lang ang makakagawa non." sagot nya at hindi ko naman mapigilan ang matawa. Tch. Hindi pa ba sapat ang ginawa ko? Halos ako na lahat gumawa ng mga kailangan para mabuo at magtagumay ang punyet*ng plano nila.

"Tungkol saan na naman ba?!" tanong ko at halos hindi ko na talaga mapigilan ang mapasigaw.

"About Aleya." sagot nya at napailing nalang ako. Problema pa pala ang putang*nang babaeng yon.

*****

Pababa na ako ngayon ng hagdan patungong living room kung saan naroon na sila at naghihintay sa akin. Tch. Dapat lang silang maghintay tutal sila naman ang may kailangan sa akin.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon