♥Chapter 63: For those who where left behind

617 38 18
                                    

Lindsey's POV

"Saan naman tayo ngayon?" tanong ni Kira pagkalabas namin ng mall pero sya lang naman ang nagsaya at extra lang kami na sumusunod sa kanya.

"Dun naman sa lugar na lahat tayo magsasaya hindi yung ikaw lang dyan ang nag-eenjoy." reklamo naman ni Liam kaya napairap nalang si Kira. Habang ako naman ay nanatili lang tahimik. Patingin tingin lang ako sa paligid habang nasa tabi ko naman si Jayred. Kaya lang naman ako sumama dahil sa sinabi nilang kailangan ko toh. Pero parang hindi naman nakatulong.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Jayred na nasa tabi ko at napaisip naman ako kung anong lugar ang gusto kong puntahan.

Gusto ko yung lugar na makakapag-relax ako. Yung lugar kung saan makakalimot ako kahit sandali lang. Pero lahat naman ng lugar na alam ko ay pinapaalala lang sya. Mga lugar na pinuntahan namin ng magkasama.

"Sa bar nalang tayo." mahinang sagot at lahat naman sila napatingin sa akin ng dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi sila makapaniwala na lumabas ang mga salitang yon sa bibig ko pero wala silang magagawa.

"Pero--" magsasalita palang sana si Liam pero inunahan ko na sya.

"Gusto ko lang magliwaliw at yon lang ang naiisip kong lugar na magpapagaan ng loob ko." sabat ko at nagkatinginan naman silang tatlo.

"Okay then. Maghanap nalang tayo ng malapit na bar dito."  sabi ni Alfred pero agad ko syang pinigilan.

"Wag na. Sa Zayden's bar nalang tayo." sabi ko.

"Are you sure?" tanong ni Kira na agad ko namang tinanguan. Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Jayred na nasa tabi ko.

"I don't think it's good to be there." sabi niya na may halong pangamba at pag-aalala pero tipid ko lang syang nginitian.

"I'll be okay. Gusto ko lang talagang magpunta don dahil isa yon sa nakasanayan kong lugar para magliwaliw." sagot ko at sa huli ay sumang-ayon din sya pwera nalang sa tatlong kasama namin ngayon. Habang papunta kami sa parking at kahit ng makapasok na kami sa kotse at patuloy parin sila sa pagpigil sa akin pero hindi ko sila pinansin. Dahil gusto ko talagang pumunta don.

"Sigurado ka ba talaga, Lindsey? Alam mo, mas magandang mamasyal ngayon sa amusement park tutal maaga pa naman." sabi ni Liam pero hindi ko lang sya pinansin at nanatili lang akong nakatingin sa dinadaanan namin ngayon habang nakaupo ako dito sa passengers seat ng sasakyan ni Jayred.   Habang yung tatlo naman nasa likod.

"Oo nga, gusto ko ring subukan ang mga rides don." dagdag naman ni Kira pero hindi ko parin sila pinansin.

Alam ko naman kung bakit nila ako pinipigilan. At yon din ang dahilan ko kung bakit gusto kong pumunta don. May gusto lang akong kumpirmahin tapos aalis nadin ako. Titigil narin ako.

Ramdam ko naman ang pagsulyap-sulyap sakin ni Jayred at mukhang alam na nya kung anong iniisip ko. Para saan pa't naging best friend ko sya kung hindi nya ako kilala. Magaling talagang mag-obserba ang lalaking yan.

"Wala na talaga." rinig kong sabi ni Alfred kaya pasimple naman akong lumingon sa kanya at kita ako ang pag-iling nya samantalang ang tatlo naman ay busy sa pagkalikot ng cellphones nila kaya nagkibit-balikat nalang ako bago umayos ng upo. Isang kanto nalang at nasa Zayden's bar na kami kaya mas magandang ihanda ko na ang sarili ko.

Parang bigla naman akong kinabahan ng matanaw ko ang bar at rinig ko naman ang pagbuntong-hininga ng apat na nasa likod. Pagkarating namin ay agad namang ipinark ni Jayred ang kotse nya at wala ni isa sa amin ang nagsalita dito sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang ako sa bukana ng bar at iniisip ko kung anong mangyayari kapag pumasok ako dyan.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon