♥Chapter 72: Only Hope

365 21 0
                                    

Lindsey's POV

Mas lalo akong napahagulgol sa iyak ng maiwan ako dito kasama ng mga tauhan ni Mei. Ayoko na dito. Natatakot na ako. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman toh.

Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak dito habang sila naman ay nag-uusap sa kung anong gagawin nila sa akin. Hindi ko nga alam kung paano makakatakas mula sa pagkakagapos ko, hindi ko alam kung paano makakaalis dito.

"Gaya ng usapan natin, ako ang mauuna." sabi ng lalaking may mahabang buhok na sa hula ko ay syang humalik sa akin kanina. Mas lalo naman akong nanindig sa takot ng bigla syang tumingin sa akin habang dinidilaan ang labi nito.

Nakita ko ang pagngisi nya bago ako tignan mula ulo hanggang paa at mababakas sa mga mata nya ang kagustuhan nyang gawin sakin yon. Ayoko. Hindi ako papayag. Mas mabuting patayin nalang nila ako kaysa gawin nila yon.

"Madaya ka pre, pero okay narin. Basta ako ang sunod. Dalian mo ha? Alam mo namang mainipin ako eh. Hahaha." mas lalo naman akong nangilabot dahil sa pagtawa ng isa. Kaya mas lalo akong naiyak ng dahil sa takot at kabang nararamdaman ko.

"Ibigsabihin ako ang panghuli?! Daya nyo mga pre! Pwede namang sabay-sabay nalang tayo!" reklamo ng isa at nagtawanan naman yung dalawa bago nakangising tumingin sa akin. Gusto kong umatras pero hindi ko magawa. Gusto kong tumakas pero sa paanong paraan?

"Hindi pwede, pre. Baka hindi nya kayanin kapag nagsabay-sabay tayo." sabi ng isa at malakas ulit na tumawa. Umiling-iling naman ako habang nakatingin sa kanila at mas lalo naman silang natawa.

Mga hayop sila!

"Sabi nyo eh. Makaalis na nga. Sabihan nyo nalang ako kapag ako na." ani naman nung isa bago ako tignan saglit at naglakad paalis. Nagkatinginan naman yung dalawa na parang nag-uusap sila at nagkakaintindihan. Nakita kong nagsesenyasan sila.

Pilit naman akong nagpupumiglas upang makawala mula sa pagkakatali pero wala talaga. Ayaw matanggal. Pinanghihinahaan na ako ng loob pero pilit ko paring ginagalaw ang mga kamay kong nakatali sa likod ko pero ayaw talaga. Hindi ko makalas!

Natigilan naman ako ng makita ko ang pares ng sapatos ang tumigil sa harap ko kaya dahan-dahan naman akong napa-angat ng tingin at binundol ng kaba at takot ang dibdib ko ng makita ko ang nakangisi mukha ng lalaking may mahabang buhok.

Patuloy parin sa pagdaloy ang luha ko pati narin ang dugo mula sa noo ko.

"W-wag mo'kong h-hahawakan." humihikbing sabi ko ng iangat nya ang kaliwang kamay nya para hawakan ang pisngi ko. Akala ko hindi nya itutuloy pero hinahawan nya parin ang pisngi ko kaya agad naman akong umiwas habang patuloy parin sa pagluha.

Natatakot ako.

"Hindi ka makakatakas mula sa akin." natatawang sabi nya at nakita ko namang napalingon sya sa lalaking nakasandal sa pader malapit sa amin.

"Ano pang ginagawa mo dito Kyle? Wag mong sabihing manonood ka?" tanong nito sa lalaking tinawag nyang Kyle. At tumuwid naman ito ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader at mukhang handa na syang umalis.

Nabaling naman ulit sakin ang tingin ng lalaking nasa harapan ko at sumilay naman ang nakakalokong ngiti nito bago unti-unting bumaba ang mukha nya patungo sa mukha ko. Ng dahil sa takot at pandidiri ay agad kong iniwas ang mukha ko palayo sa kanya.

Akala ko titigil na sya pero hindi. Agad nyang hinawakan ang baba ko at pilit inihaharap ang mukha ko sakanya kaya wala akong nagawa kundi ang pumikit nalang habang humihikbi. Ramdam ko ang paglapit ulit ng mukha nya sa mukha ko kaya mas lalong napaidiin ang pagkakapikit ko.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon