♥Chapter 6: Date?

1.3K 58 1
                                    


Lindsey's POV

Bwisit! Sinabi ko na kasing ayaw kong makipag-date pero alam nyo ba kung anong ginawa sa akin?

Pinagtulungan ako!

Pati mga maid ay kinuntyaba ni Mama para lang mapasakay ako dito sa kotse ng pesteng lalaking katabi ko.

Gustong gusto ko syang sakalin ngayon na pero ayoko pa namang mamatay.

"Saan mo ba ako dadalhin?!" inis na tanong ko sa kanya pero seryoso parin sya habang nagmamaneho.

Tusukin ko kaya mata neto

"Just wait." ani nya habang ang atensyon nya parin ay nasa daan.

Wait daw... Pagod na akong maghintay Uyyyy...

"Sabihin mo lang kung ipa-pasalvage mo ako para naman mapaghandaan ko." inis na sabi ko habang nalahalukipkip na nakatingin sa kanya.

"Just be quiet, okay? Hindi ako makapag-concentrate ng dahil sayo." ani nya at mukhang nagsisimula na syang mapikon sa akin.

"Aba't ako pang sinisi mong hinayupak ka! Kung hindi mo sana ako sinama pa edi natahimik tayong dalawa!" sigaw ko sa kanya

Sisihin daw ba ako. Sya naman ang may kasalanan, may nalalaman pa syang date-date manloloko din naman sya.

Muntik naman akong mauntog sa dashboard ng kotse nya ng bigla syang prumeno buti nalang naka seatbelt ako.

Nananadya ata sya!!

"Nananadya kaba?! Sabihin mo lang kung gusto mong magpakamatay dahil hindi ako sasama sayo! Mamatay ka mag-isa Gago!!!" sigaw ko sa kanya.

Agad naman syang humarap sakin dahilan para magkaharap kaming dalawa ngayon. At sa itsura nya ngayon at mukhang inis na sya.

Wala syang karapatang mainis, ako nga dapat ang mainis dito!

"Ano? Ikaw pa ang may ganang mainis ngayon! Huh! For your information Mr. Playboy sa ating dalawa ako ang dapat mainis! Unang una ay dahil sa nandito ako sa kotse mo! Pangalawa ay dahil sa nakikita ko ang pagmumukha mo! At pangatlo ay dahil sa ayaw kitang kasama! Kay--" hindi pa ako natatapos sa pagsigaw ng sumingit sya.

"TATAHIMIK KA BA? O HAHALIKAN KITA!!" balik na sigaw nya na nagpatigil sa akin. Mukhang nasagad na sya dahil sa akin.

Lagot ako ngayon

Hindi ako natatakot sa kanya pero natatakot akong totohanin nya ang sinabi nya.

Kaya napalunok nalang ako at napailing-iling sa kanya bilang sagot. Para tuloy akong batang napagalitan.

"T--tatahimik na!" utal utal kong sigaw na sagot sa kanya.

Nagulantang naman ako ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sakin. Hindi ko nakagalaw dito sa pwesto ko dahil sa isang maling galaw lang ay mahahalikan ko na sya.

Gusto ko syang murahin dahil parang nang-aasar pa sya. Halos pinipigilan ko rin ang huminga at nagpapawis narin ako sa sobrang kaba.

Subukan nya lang talagang ituloy! Papatayin ko sya para naman mabawasan ang babaerong nagpaparami na papolasyon dito sa pilipinas!

"Good girl." ngising ani nya.

Inilayo naman na nya ang mukha nya at nagpatuloy na sya pagmamaneho na ikahinga ko ng maluwag.

Hindi na ako muling nagsalita pa dahil natatakot ako na baka ulitin nya ang ginawa nya. Rinig ko naman ang pagsipol sipol ni Steven habang nagmamaneho at mukhang masaya pa sya sa ginawa nya.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon