♥Chapter 75: It's hard to say Goodbye

517 22 2
                                    

Lindsey's POV

Hindi ko parin mapigilan ang maiyak at malungkot habang nakatingin sa puntod nya. Mahirap paring paniwalaan na wala na sya ngayon. Ng dahil na naman sakin. Bakit kasi ang bilis nyang bumitaw? Ni hindi man lang sya lumaban. Hindi nya ba alam na may mga taong nalungkot at nasaktan sa pagkawala nya at isa na ako don.

Masakit para sakin yon lalo na at nasaksihan ko kung paano sya mawalan ng hininga. Kung paano pumikit ang mga mata nya. Kung paano tuluyang bumitaw ang mga kamay nya. Nasa tabi nya ako ng mga sandaling yon at hindi matanggal sa isip at ala-ala ko ang pangyayaring yon.

Gabi-gabi akong binabangungot tungkol sa mga nangyari dahil maski ako ay hindi ko matanggap ang nangyari sa kanya. Pakiramdam ko kasalanan ko at hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ako naman kasi ang puno't dulo ng pangyayaring yon. Ako ang habol ng mga Chua pero ang daming nadamay at isa na sya don.

May nagawa nga syang kasalan sakin dahil nagsinungaling sya pero agad din naman syang bumawi at mas malaking kabayaran pa ang ibinigay nya na hindi ko kailan man masusuklian. Ibinuwis nya ang buhay nya para sa akin.

"How are you?" hindi ko mapigilang magsalita habang nakaupo sa puntod nya. Ibinaba ko rin ang hawak kong mga bulaklak at sinindihan ang dala kong kandila. Pagkatapos ay napayakap nalang ako sa mga tuhod ko at tumingin sa lapida nya.

"Don't you regret that you save me?" tanong ko kahit na alam kong walang sasagot sakin. "I'm not worth it for your life. I'm not worth it to be saved by you." sabi ko at nagsimula na naman akong umiyak at humikbi ng walang tigil. Kung hindi lang dahil sakin wala ka dapat dyan. Hindi dapat ikaw ang nakalibing sa ilalim ng lupa. Hindi dapat ikaw ang nawala.

"Ilang buwan na ang nakakalipas, pero marami paring nalulungkot sa pagkawala mo." sabi ko at habang pinupunasan ang luhang patuloy lumalandas sa pisngi ko. "Marami paring hindi makapaniwala na wala kana." dagdag ko pa.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko upang pigilan ang sarili ko sa pagluha. Masakit maalala ang mga nangyari at hindi na'yon maibabalik pa. Mahirap tanggapin pero kailangan. Wala na sya.

"Mabuti kang tao at pinatunayan mo yon." ani ko bago magmulat at punasan ang huling luhang lumandas galing sa mata ko. "Salamat."

"Salamat, Aling Delaila." dagdag ko bago tipid na ngumiti habang nakatingin sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan nya. Masaya ako at nakilala ko sya kahit sandali lang. Isa sya sa mga taong kailanman ay hindi ko makakalimutan.

Napabuntong-hininga ako bago tumayo at pagpagin ang suot kong pantalon. Tumingin ulit ako sa puntod ni Aling Delaila at ngumiti.

"Tungkol kay Nathan, wala kanang dapat pang ipag-aalala tungkol sa kanya. Nalulungkot parin sya sa pagkawala mo pero bukod don ay okay na sya. Nasa pangangalaga na namin sya." sabi ko at marahan akong natawa ng maalala kong nagkaroon ako ng instant na kapatid. Legally adopted na sya kaya isa na syang Cruz.

Hiniling ko noon kay Papa na ampunin namin si Nathan at hindi naman sya nagdalawang isip na pumayag. Wala naman na kasing natitirang pamilya kaya mas maganda kung sa amin na sya mapunta kaysa sa iba na pwede lang syang saktan. Kahit yon lang ang magawa ko para kay Aling Delaila.

Naging okay naman si Nathan. Nung una ayaw nya pang sumama samin noon. Ni hindi nga sya magawang makausap ng iba maliban sakin, ako ang nakakumbinsi sa kanyang sumama samin noon. Ako ang laging kasama nya at nakikipaglaro sa kanya para maibsan ang lungkot nya. Minsan ipinapasyal naman sya ni Mama o di kaya nakikipaglaro sa kanya si Papa. Sa mga nakalipas na buwan masasabi kong malaki ang naging improvement nya.

Tungkol naman kay Mei. Wala akong alam tungkol sa mga nangyari sa kanya pero nabalitaan ko kay Papa na nahuli na daw sya kasama ng pamilya. Hindi ko alam ang buong kwento pero napanatag ang loob ko ng malaman ko yon. Nakakalungkot lang dahil sabi ni Papa ay nawala daw sa katinuan si Mei.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon