♥Chapter 74: Farewell

613 22 11
                                    


Lindsey's POV

Nanatili akong nakatingin sa pares ng sapatos ng kung sino. At mas lalo akong natakot ng bigla itong humakbang palapit sa akin kaya awtomatikong napa-atras naman ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung tatakbo ba ako o ano?

Pero kung tatakbo ako isang kalabit nya lang sa gatilyo ng baril siguradong patay ako. Siguradong hindi ako magkakaroon ng pagkakataong makatakas mula sa kanya lalo na't may bitbit akong bata.

Hindi ko naman mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko ng dahil sa takot. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko pa nga nakakalimutan ang nangyari kanina tapos ganito na naman? Kailan ba matatapos toh?

Napahigpit naman ang yakap ko sa batang hawak ko lalo na't ng muling humakbang palapit ang taong nasa harapan naman hanggang sa tumigil ito at nagulat ako sa sunod nyang ginawa kaya hindi ko mapigilang mapatingin sa mukha nya.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin na wag kang umiyak? Walang maitutulong yan." mas lalo akong naiyak ng maaninag ko ang mukha ni Kyle habang nakalahad ang mga kamay. Tinaasan naman nya ako ng kilay kaya wala akong nagawa kundi abutin ang kamay nya at tinulungan akong tumayo.

"Kyle." wala sa sariling banggit ko sa pangalan nya at tinawanan naman nya ako. Hindi ko parin alam kung bakit nya ginagawa toh. Kung bakit nya kami tinutulungan sa halip na hulihin at ikulong muli kami sa isang kwarto. Pero kung ano mang dahilan nya, kung sino man sya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

"First name basis? Di ko alam na close pala tayo." natatawang sagot nya pero agad rin kaming natigilan ng makarinig kami ng mga yabag papalapit sa kinaroroonan namin.

Muntik ko nang makalimutan kung bakit kami ako tumatakbo kanina. Kaya nakaramdam ulit ako ng kaba lalo na ng maalala ko na hinahabol pala kami. Nakarinig naman ako ng mga sigaw at mga boses malapit na sa kinaroroonan namin kaya wala akong nagawa kundi ang lumingon sa paligid upang humanap ng mapagtataguan.

"Dito. Dali." mariing bulong ni Kyle bago ako hilain papunta sa tambak ng mga gamit at kung mga ano-ano sa likod. Sinenyansan naman nya kami na wag mag-iingay kaya wala ako sa sariling napatango.

"Wag kayong lalabas hanggat hindi ko sinasabi." aniya nya bago umalis upang salubungin ang mga lalaking humahabol sa amin. Natahimik naman ako habang nakikiramdam sa paligid.

Napatingin naman ako sa bitbit kong bata at nakaramdam ako ng awa ng makita ko syang luhaan kagaya ko. Agad ko namang pinunasan ang mga yon bago tipid na ngumiti sa kanya.

"Magiging ligtas ka, tahan na." bulong ko sa kanya kahit na pati ako ay patuloy parin sa pagluha. Umiling-iling naman sya at nagsimula nang humikbi ng humikbi na mukhang narinig ng mga taong naghahanap sa amin.

"Ano yon? Hindi mo ba talaga nakita ang dalawang yon?" rinig kong sabi ng kung sino kaya agad ko namang tinakpan ang bibig ng batang bitbit ko ng marinig ko ang mga yabag nila na papalapit sa kinaroroonan namin.

"Sinasabi ko na sa inyo, hindi ko sila nakita. Imposible namang hindi ko sila mapapansin dahil kanina pa ako naglilibot-libot dito." rinig kong sagot ni Kyle at mukhang hindi parin natitinag ang mga kausap nya at naglakad parin sa kinaroroonan namin at nagsimulang halungkatin ang mga gamit.

Lagot na.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakatakip sa bibig ng bata at iniwasang makagawa ng anumang tunog na magiging dahilan para mahanap nila kami. Hindi ko mapigilang mapagkagat ng labi lalo na ng malapit na sila sa pwesto namin. At hindi ko maiwasan ang mapakagat ng labi lalo na ng makita ang paa ng isa sa kanila. At parang slow motion ang lahat lalo na ng humakbang pa sya ng isa at konti nalang ay makikita na kami. Nakita kong hahakbang pa sya papalapit sa kinaroroonan namin pero......

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon