Steven's POV
"Problema mo brad?" tanong ni Zayden na kararating lang.
Syempre hindi naman pwedeng pumunta ako dito sa bar ng mag-isa lang kaya dinamay ko sila. Baka pagkaguluhan pa ang ka gwapuhan ko dito.
"Dumating na kasi ang kambal nya kaya hindi na sya makapag-uwi ng babae." nakangising ani ni Lanz. Natumpok nya! Yun ang pinakamalaking problema ko ngayon.
"Sino bang hindi matatakot kay Stephanie, nambubugbog yon pre." natatawang ani ni Wayne. Lahat kasi sila may takot sa kambal ko katulad ko.
Amazona kasi ang babaeng yon. Hindi ko nga alam kung paano sya nagustuhan ng asawa nya kahit na arranged marriage lang sila na sya ring mangyayari sa akin.
"Kung hindi ba naman kasi kayo mga gung-gong, nandadamay pa kayo!" inis na sabi ni Zayden saka umupo sa tabi ko. Mukhang bagong gising.
"Wow! Maka-gunggong wagas! Matino ka! Huh!" ani naman ni Lanz pero tinaasan lang sya ng kilay ni Zayden.
"Bakit? Naging gago ba ako katulad mo?" taas noo nyang tanong kay Lanz at hindi naman ito makatingin sa kanya.
Kalahi ko yang si Lanz. Palagi kaming nagkakasundo basta tungkol sa mga babae. Expert kami don.
Syempre magpapakasasa muna kami ngayong malaya pa kami. At wala rin silbing magseryoso ako sa isang babae dahil alam kong darating din ang panahon na ipapakasal ako ng mga magulang ko gaya ng kapatid ko.
"We're just enjoying life, Zayden." nakangising ani ko. " Ika nga nila live your life to the fullest." dagdag ko pa kaya nagkibit nalang sya.
"Kayong bahala." ani nya saka tinuon ang pansin sa cellphone nya.
This is me. This is my life. Playing with girls is my happiness.
At ano bang mapapala ko kung magtitino ako? Wala naman diba? Cause for me true love never exist. And I don't believe with it.
Nakakabakla.
Sabay sabay naman kaming napatingin sa babaeng umupo sa katabing table namin.
"Brad,chicks." ngingisi-ngising sabi ni Lanz.
Pero ako nakatingin parin hanggang ngayon sa babaeng kararating lang. Dahil kilala ko sya at naalala ko parin sya hanggang ngayon.
Lindsey Neia Cruz
*****
Lindsey's POV
Ang tagal naman dumating ng lokong yon. Napasimangot nalang ako dahil sa pagkabagot. Ramdam ko rin ang tingin ng ibang tao sa akin pero hindi ko pinapansin. Wala naman akong kailangan sa kanila.
"Heyy, miss beautiful. Mag-isa ka lang?"
Nagulat pa ako ng biglang may umupo sa tabi ko kaya tinignan ko sya at mas lalo akong nagulat sa itsura nya.
Mukha syang butiking nakadroga.
Mulat na mulat kasi ang mata parang isang linggong gising at namumula pa. Look a like nya si Momo.
"Kasama ko ang boyfriend ko. So if I were you aalis na ako." inis na ani ko pero bigla nalang nya akong inakbayan.
"Alam mo kung sasama ka sa akin mas mapapasaya kita." ani nya saka hinihimas ang braso at inaamoy pa ang buhok ko kaya napatayo ako.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
רומנטיקה"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...