Lindsey's POV
"Stay here, I'll go downstairs to get some food for you." ani ni Papa bago tumayo pero umiling naman ako. Wala akong ganang kumain.
"Hindi pa ako gutom--"
"You need to eat, Lindsey. Skipping your meals can't lessen the pain you feel but you need it for you to be tough and bear your grief." seryosong sabi ni Papa at napayuko nalang ako dahil natamaan ako sa sinabi nya. Ano bang magagawa ng hindi pagkain? Hindi naman sya babalik kahit patayin ko pa sa gutom ang sarili ko diba? Mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko.
"Torturing yourself can't do anything, Lindsey. Mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon mo ngayon at mas lalong hindi lang ikaw ang nahihirapan. You're also hurting us for being in that estate." dagdag nya at muli akong hindi nakaimik. Tama naman si Papa.
Pinapalala ko lang ang sitwasyon ko. Imbes na humanap ako ng paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ko mas lalo ko pang pinapalala ito. Pero hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin ng wala sya. Kung alam ko lang sana na ganito ang gagawin nya, edi sana hindi ko sinanay ang sarili ko na dumepende sa kanya. Hindi sana ako nahihirapan ngayon.
"Sige po, kakain na'ko." mahinang sabi ko at sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong ngumiti si Papa na syang nagpagaan ng loob ko.
"Good." aniya at ti-nap ang ulo ko bago lumakad palabas ng kwarto ko. Napabuntong-hininga nalang ako bago umayos ulit ng higa at kinuha ang gitarang nasa tabi ko. Ang gitarang ginamit ni Papa, ang gitara ko.
Nagtataka siguro kayo kung bakit nandito toh at kung bakit wala toh sa mansion kung saan ko ito iniwan. Simple lang naman ang sagot. Pinadala na ito ng mga Lazaro kasama ng mga gamit ko pagka-cancel ng engagement.
Hindi ko kasi napansin ang mga toh dahil masyado akong naka focus sa sakit na nararamdaman ko. Sa sakit na dinulot nya. Dahil hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala.
Ang daya lang kasi ako na naman ang nasaktan saming dalawa. Ako na naman ang umiiyak ng dahil sa kanya. Pakiramdam ko hindi sya nagbago, wala syang pinagbago.
Pero mahal ko parin sya
Ganun ako ka-tanga pagdating sa kanya
Minsan natatawa na nga ako sa sarili ko. Ako na nga yung nasaktan at naiwan, ako pa yung umaasang babalik sya. Araw-araw, gabi-gabi akong umaasa na babalikan nya ako. Na pupunta sya dito at sasabihin nyang mahal na mahal nya ako.
Umaasa ako na sasabihin nyang sakin sya masaya. Na sakin sya umaasa para mabuhay. Na sakin sya sakin sya nakadepende at hindi nya ako kayang mawala sa kanya.
Araw-araw akong naghihintay ng tawag, maski katuldok na text pero wala. Gabi-gabi dumudungaw ako sa bintana ng kwarto ko baka sakaling makita ko syang umaaligid sa labas pero maski anino nya wala akong nakita. Wala akong maramdaman. Kahit sa panaginip ko hindi sya nagparamdam. Hindi sya nagpakita.
Sa pagmulat ng mga mata ko sa umaga, umaasa ako na sya ang una kong makita. Pero wala. Wala talaga. Kapag gabi bago pumikit ang mga mata ko bago matulog sya ang una at huli kong inaalala. At umaasa ako na sana ganun din sya. Sana inaalala rin nya ako sa bawat pagtulog at paggising nya.
Gusto ko syang makita
Dahil miss ko na sya.
Nami-miss ko na sya kahit alam kong masaya na sya ngayon kasama ng bagong babae nya. Nami-miss ko na ang pangungulit nya pati narin ang tawa nya. Gusto ko ulit makita ang mga ngiti nya pero hindi na pwede. Gusto ko ulit marinig ang mga sermon nya kahit alam kong malabo na. Wala na.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...