♥Chapter 64: Almost

433 14 0
                                    

Lindsey's POV

"Sabi ko na eh, hindi talaga magandang pumunta tayo dito." sabi ni Kira na patuloy parin sa paglalakad habang hila ako. Ako naman nanatiling pinupunasan ang mga luhang lumandas galing sa mga mata ko dahil sa nangyari.

At sana okay lang siy---si Jayred.

Sana bugbugin na nya ang gag*ng yon hanggang sa hindi na sya makalakad.

"Damn him! Makakatikim talaga sakin ang Steven na'yon!" inis na sabi ni Alfred.

Sana nga.

Pagtulungan nyo na yon. Tang*na nya! Mali ba na minahal ko sya? Mali bang pinahalagahan ko sya? Nagkamali ba ako na umasa ako sa kanya? Dahil buset! Pakiramdaman ko ang tanga-tanga ko at nagpaloko na naman ako sa kanya.

Sana nung una palang hindi na ako naniwala. Sana hindi nalang ako umasa kung ganito din ang kahihinatnan. Sana pala hindi ko na ulit hinayaan ang sarili kong mahulog ulit sa kanya. Kung alam ko lang sana na pinaglalaruan nya ako. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

"Tambangan kaya natin mamaya sa kanto? O di kaya sagasaan nalang natin. Para naman mawala na ang karibal ko sa pagiging gwapo." sambit naman ni Liam at nakatanggap naman sya ng malakas na sipa mula kay Kira kaya natawa naman ako ng mahina. Kahit papaano ay gumaan naman ang loob ko dahil sa presensya nila kahit pinsan nila ang gag*ng yon.

Kung gusto nila samahan ko pa sila sa pagbugbog sa gag*ng yon para naman makabawi ako sa sakit na dinulot nya sakin.

Ninakawan nya ako eh! Ninakaw nya ang kalahati sa pagkatao ko at hindi ko na alam kung paano pa bubuuin ang sarili ko ng dahil sa ginawa nya. Durog na durog na naman ako at sya na naman ang dahilan.

Pero kasalanan ko rin naman dahil nagpauto ako sa kanya.

Ang tanga-tanga mo talaga Lyndsey!

Napasabunot nalang ako sa sarili ko at sumigaw sa loob-loob ko. Gusto kong magwala pero alam kong walang maitutulong yon. Gusto ko nang makalimutan lahat ng toh. Lahat ng sakit. Lahat ng sugat. Ayoko na.

"Lindsey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kira kaya napa-angat naman ako ng tingin sa kanila. At don ko lang napansin na sakin nakatuon ang mga atensyon nila.

Okay lang ba ako?

Masyado nang obvious ang sagot dyan. Hindi. Hindi ako okay at hindi ko alam kung kailan ako magiging okay. O, magiging okay pa ba ako?

Umiling naman ako bilang sagot sa tanong ni Kira at kita ko naman ang lungkot sa mga mata nya kaya pagak akong napangiti.

"Gusto mo, mag-hire na ako ng hitman para ipapatay ang gag*ng yon?" tanong naman ni Liam kaya sa kanya na natuon ang mga tingin namin ngayon.

Kung pwede lang sana, gusto kong sumagot ng oo sa tanong nya. Gusto kong sumang-ayon sa kanya. Pero may mababago ba kung nangyari yon? Mababawi ba lahat ng sakit kung mawala sya?

"May dahilan naman si Kuya." napatingin naman ako kay Raphael ng marinig ko ang sinabi nya. "S--siguro may d-dahilan sya. Hehehehe." aniya ng mapansin nyang nakatingin kaming lahat sa kanya.

"Wag mo ngang ipagtanggol ang gag*ng yon! Nag-iinit ang dugo ko lalo na't magkamukha kayo! Baka isunod kita sa kanya." banta ni Liam at napakamot nalang ng ulo si Raphael bago yumuko kaya ipinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi nya.

Hindi naman kasi ako maniniwala kung anong dahilan pa yon. Ayoko nang maniwala sa kanya.

"Kung sagasaan ko kaya kayo pareho? Hadlang kayo sa pagiging gwapo ko." sambit ulit ni Liam at ramdam ko ang panggigigil nya bago buksan ang pinto ng kotse ni Jayred ng makarating kami sa parking lot.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon