Lindsey's POV
7:30 palang ng umaga pero nandito na ako sa café na sinabi ni Steven na pagkikitaan namin. Hindi ko nga alam kung bakit ang aga kong pumunta dito kahit na kinakabahan ako. Pero hindi parin maitatangging gusto ko syang makita kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit pinapunta nya ako dito.
Kahit hindi ako sigurado ay pumunta parin ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil gusto ko syang makita kahit dalawang-araw palang kaming hindi nagkikita o nagkakausap.
Na sa kabila ng inis, galit, sakit at lungkot na naramdaman ko mula sa kanya hindi ko parin maipagkakailang mahal ko sya.
Agad akong pumasok sa café at umupo sa bakanteng upuan sa pinakadulo. Wala pa namang katao-tao dito. Ako palang ata ang unang customer nila ngayon dahil maaga pa naman.
Masyado atang halata na gusto ko syang makita. Tch. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko.
"Ma'am, oorder na po ba kayo?" napa-angat naman ako ng tingin nang tanungin ako ng isang waitress dito kaya tumango naman ako bago kunin ang menung inaabot nya.
"Pakibigyan nalang ako ng isang Café Amerikano, different flavors of muffins at dalawang slice ng cheese cake." ngiting sabi ko at nakita ko namang nilista nya ang mga sinabi ko at kinuha pabalik ang menu.
"Sige po, ma'am." paalam nya at tinanguan ko naman sya. Mabuti pang kumain muna ako para maibsan ang kabang nararamdaman ko. Hindi pa kasi ako nag-uumagahan kaya siguro ganito o di kaya'y nasobrahan lang ako sa nainom kong kape kagabi.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis parin ng kabog ng puso ko. Sobrang abnormal. Hindi naman ako kinikilig o ano. Pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko hindi dapat ako nandito? May mali ba?
Napalingon-lingon naman ako sa paligid ngunit wala naman akong kataka-takang nakikita sa paligid. Normal lang naman at wala akong makitang maling nangyayari. Kaya napabuntong-hininga nalang ako bago umiling-iling. Masyado lang siguro akong praning.
Hindi naman nagtagal ng dumating na order ko at isa-isa itong nilagay ng waitress sa harap ko.
"Enjoy your food, ma'am." ngiting sabi nya at tinanguan ko naman sya.
"Sige salamat." pagkasabi ko non ay umalis na sya at sinimulan ko nang kainin ang mga inorder ko pero hindi ko ginalaw ang isang slice ng cheese cake dahil para kay Steven yon kahit wala pa sya dito.
Napatingin naman ulit ako sa relo ko at 20 minutes pa bago mag alas-otso. Medyo matagal pa pero kaya ko namang maghintay dahil ako naman tong maagang dumating dito.
Kaya nagpaka-busy muna ako sa pagkain ng cheese cake na nasa plato ko. Inunti-unti ko ang pagsubo habang tumitingin sa labas at paminsan-minsan naman ay umiinom ako sa kape ko. Kaya ako kinakabahan eh, masyado akong nagkakape nitong mga nagdaang araw.
Kahit nga masama ang pakiramdam ko inom parin ako ng inom ng kape minsan nakaka-tatlong baso pa ako sa loob ng isang araw at minsa'y doble pa.
"Did I make you wait?" napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang boses na iyon mula sa likod ko kaya dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Napatitig ako sa kanya sandali bago tipid na ngumiti.
"H-hindi naman." sagot ko at umupo naman sya sa upuan sa harap ko at sa ngayon ay magkaharap na kaming dalawa. Napatingin naman ako sa relo ko at doon ko nagpagtantong 8:10 na pala ng umaga. Mukhang hindi ko namalayan ang oras.
"May iba ka pa bang hinihintay?" tanong nya kaya napabalik naman ang tingin ko sa kanya at sinalubong ang seryoso nyang tingin.
"W-wala naman." sagot ko at bahagyang ngumiti at napatitig naman sya sa akin na kintaka ko. Parang may kakaiba sa kanya ngayon. Ang mga seryoso at cold nyang mga mata, ngayon ko lang ulit nakita yan. Parang may ibang awrang nakabalot sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...