Lindsey's POVHayyyyyy..... Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa banyo para magpalit ng damit pantulog. Wala na akong panahon para mag-shower dahil sa matinding pagod.
Idagdag mo pa si Stephanie at Steven. Hindi kasi maalis sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Pakiramdam ko kasali ako sa kung ano mang problemang meron sila.
Matapos kong magpalit ay wala ako sa sariling lumabas ng banyo. Para akong tangang naglalakad habang tulala. Muntik pa akong masubsob buti nalang ay agad akong nakakuha ng suporta sa dingding. Kaya nailing-iling nalang ako. Siguro itigil ko ang masyadong pag-iisip. Baka ikabaliw ko pa.
Masyado kasi akong nawawala sa focus lalo na kapag may bumabagabag sakin. Ibinagsak ko naman ang sarili ko sa kama at napatingin sa ceiling. Nanatili akong tahimik habang nakatulala parin. Wala akong maisip na gawin kaya umayos nalang ako ng pagkakahiga.
Saglit akong napatingin sa wall clock sa gilid ko at nakita kong alas-otso palang ng gabi. Ang madalas kasi na oras ng pagtulog ko ay alas-dyis at kapag marami akong naiisip na mga bagay-bagay ay hindi na ako nakakatulog.
Kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin ang isang unan ko at pilitin ang sarili kong matulog. Pero agad din akong napamulat ng may marinig akong pagkatok. At don tumambad sakin ang mukha ni Steven na nakasilip mula sa pinto. Ng makita nya akong gising pa ay agad syang pumasok.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at bahagyang umupo at sinandal ang ulo ko sa headboard ng kama.
"Makikitulog ako." simpleng sagot nya bago isara ang pinto ng kwarto ko. Napataas naman ang kilay ko ng dahil sa naging sagot nya.
"Bakit dito? Mayron ka namang sariling kwarto." sabi ko pero hindi nya ako pinansin. Agad syang sumampa sa kama at nagkumot. Tigas talaga ng ulo neto. Sarap pektusan.
"Hoyyy. Ano kasing ginagawa mo dito? " tanong ko ulit at umayos na din ng higa at humarap sa kanya. Kaya ngayon ay magkaharap kaming dalawa at mataman naman syang nakatitig sa akin.
"Alam kong hindi ka makatulog kaya nandito ako para patulugin ka." ngiting sagot nya bago ako kabigin at hilain palapit sa kanya. Pinulupot nya ang isang braso nya palibot sa bewang ko kaya napipatong ko naman ang dalawang palad ko sa dibdib nya ng dahil sa gulat. Nakatitig lang sya sa akin kaya napalunok nalang ako bago magsalita.
"H-hindi na ako baby para patulugin mo." sagot ko at umiwas ng tingin. Bakit parang uminit dito sa kwarto? Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya pero hindi parin ako tumitingin sa kanya. Mukhang mas lalong hindi ako makakatulog ngayon.
"Yeah. You're not a baby anymore but you can be my baby." ani nya at hinawakan ang baba ko para ipaharap sa kanya ang mukha ko pero iniwas ko parin ang tingin ko sa kaniya.
"Para sa akin baby kita. Dahil ang baby dapat inaalagaan. Dapat palaging binabantayan. Kung mapaiyak man dapat pinapatahan." aniya kaya napatigil naman ako bago unti-unting tumingin sa kanya. Dun ko sya natitigan at ganun din sya. Pilit kong inaalam sa mga mata nya kung totoo ba ang mga sinasabi nya at napangiti nalang ako dahil ramdam ko at nakikita kong sincere sya.
"Dapat silang pinoprotektahan hindi dahil sa mahina sila o hindi nila kayang mabuhay ng walang nag-aalaga sa kanila, kundi dahil mahalaga sila. Kayamanan sila na dapat iniingatan. That's why I want to treat you as my baby cause you're important to me." dagdag nya at hinaplos ang pisngi ko habang nakangiti. At hindi ko naman napigilan ang sarili kong hampasin ang dibdib nya ng pabiro.
"Bakit ganyan ka!" kunwaring inis kong sigaw at pinaghahampas ulit sya. Nakita ko namang nalilito sya sa pinagsasabi ko. "B-bakit... B-bakit ang hilig mong magpakilig!" sigaw ko na dahilan ng pagtawa nya. Next time hindi ko na sya hahayaang pumunta dito sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...