♥Chapter 23: Saving them

1.1K 52 22
                                    

Steven's POV

Nandito kami ngayon sa labas abandunadong building kung saan dinala si Lindsey at Chloe. Magaling talagang pumili ng lugar ang bruhang yon dahil halos walang katao-tao ang buong lugar kung nasaan kami. Pero masyado syang nakampante dahil akala nya ay hindi namin sya mahahanap. At sa ngayon ay napapalibutan na ng mga pulis ang buong building. Pero ngayon ay papasok na kami. Ayoko namang maiwan sa bahay at maghintay lang dahil hindi ako makakampante dahil sa alam kong nasa panganib si Lindsey. At mas lalong hindi ako mapipirmi kung wala akong gagawin. Pinayuhan kami ng mga pulis na manatili nalang daw kami sa labas at mag hintay pero hindi kami pumayag. Kasama ko ngayon sina Lanz, Zayden, Wayne, Kenzo at si Jayred. Gusto ko sanang mainis sa lalaking toh pero pinipigilan ko dahil hindi ngayon ang oras dahil nasa panganib ngayon sina Lindsey at Chloe at kailangan ko rin ng tulong nya ngayon.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa building pero kailangan naming mag-ingat para hindi kami matunugan ng mga bantay. Hanggang tatlong palapag tong building at hindi namin alam kung saan tinatago sina Lindsey.

"Saan natin sila hahanapin?" tanong ni Wayne kaya nagkatinginan kaming lima at saka namin napansin na wala si Jayred. San naman nagpunta ang gunggong na'yon? Pabida! Kainis! Sana hindi nalang namin sya sinama. Feeling ko tuloy naungasan ako pagdating kay Lindsey.

"Halos kalat ang bantay dito at marami-rami sila. Sa labas ay may sampu, sa ikalawang palapag naman ay labin-limang bantay at sa ikatlong palapag naman ay ang pinaka-marami at kasama na dun si Mei." halos lahat naman kami ay nagulat ng bigla na namang sumulpot si Jayred mula sa kung saan. Kainis! Masyado syang mayabang!

"Paano mo naman nalaman yan?" inis na tanong ko at tumingin naman sya sa akin bago ngumiti.

"I have my ways. At tsaka kailangan ko nang mailigtas ang baby girl ko." nakangiting ani nya at halos masapak ko na sya kung hindi lang ako hinawakan nila Kenzo.

"Damn you! Don't call her baby girl and she's not yours, neither!" bulyaw ko sa kanya pero hindi man lang nya ako pinansin pero nanatili parin syang nakangiti. Mukhang mapapatay ko na talaga ang lalaking toh. Tang*na nya!

"Tumigil na kayo!" saway sa amin ni Kenzo pero nakakatitig parin ako ng masama sa Jayred na'to. At kahit nandito ang kapatid nya ay talagang papatulan ko sya!

"Our goal here is to save both Lindsey and Chloe, so stop being childish. Mamaya nalang kayo mag-away dahil walang pipigil sa inyo kahit magpatayan pa kayo." dagdag ni Kenzo at agad naman akong  kumawala sa pagkakawak nila. Pero nakatingin parin ako ng masama kay Jayred at ganun din sya.

"Let's separate our ways. Lanz and Wayne, come with me. Sa second floor tayo at kayong tatlo ay dumeretso na sa third floor." utos ni Zayden kaya agad naman akong nagreklamo.

"Bakit kasama pa siya sa amin?!" inis na tanong habang nakaturo kay Jayred at ayokong banggiting ang pangalan nya.

"I have my own name, idiot!" sambit naman nya at tinabig ang kamay kong nakaturo sa kanya.

"The hell I care for your name, dumbass!" saad ko naman at magsasalita palang sana sya ng biglang sumingit si Kenzo.

"Sabihin nyo lang kung mag-aaway lang gagawin nyo dito. Dahil hindi na namin kasalan kung mahuli tayo at maabutan nating wala nang buhay sina Lindsey." sambit nya na nakapagpatigil sa aming dalawa ni Jayred. Nagsimula na silang maglakad ng tahimik at wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Paminsan minsan ay palihim kaming nagsisikuhan at nagsisipaan ng gung-gong kong karibal. Minsan naman ay nagtutulakan kami ng hindi pansin ng iba. Masyado kasi syang pabida kala mo naman hindi tatablahan ng bala. Sino sya? Si Superman? Man of steel? Ganun? Tch.

Engaged into Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon