Stephanie's POV
Hindi ko talaga maintindihan ang mga kinikilos ng kambal ko at alam kong pati si Lindsey ay nagtataka narin. Alam nyo bang kanina nya pa inaaway at binabara si Jayred. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa pagitan nila pero nakakaramdam ako na nagkakainitan na sila at nakakaamoy rin ako ng selos.
Alam kong nagseselos si Steven dahil halata naman sa mga kinikilos nya. Dahil kanina pa sila nagsasagutan ni Jayred at kami naman ni Lindsey at nanood lang sa kanila. Hanep ehh...
"Gusto mo bang pasakan ko ng tsupon yang bibig mo para naman magtigil ka!" bulyaw ng kambal ko.
"Para sabihin ko ikaw ang nagbubunganga dyan. Kanina kapa talak ng talak, para kang bakla!" balik na bulyaw ni Jayred na mukhang napupuno na pero mukhang hindi talaga papatalo ang kambal ko.
"Bakla? Ako mukhang bakla? Tang*na saan ka naman nakakita ng baklang ganito ka-gwapo huh? Saan?!"
"Ikaw. At para sabihin ko sayo hindi ka gwapo kaya wag kang mag-ilusyon."
"At ano namang tingin mo sa sarili mo ha?! Gwapo ka! Gwapo ka??"
"Oo. Gwapo na ako since birth."
"Hahaha talaga ba?! Tang*na hindi ko makita sa mukha mo ang ebidensya!"
"Kaysa naman sayo na lantaran na ang pagkabakla."
"Gago you!"
"Gago you too!"
"Alam mo ba kapag nakikita kita nauutot ako? Dahil tang*na ang PANGET mo!"
"Kwento mo sa may pake."
Diba ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nila? Sarap nilang pektusan. Napatingin naman ako kay Lindsey at ganun din sya sa akin. Parehas kami ng reaksyon habang nanonood sa pagsasagutan ng dalawa.
Bakit ba ang init nila sa isat-isa eh pareho lang naman silang mukhang punyeta! Ang sakit na ng tenga ko habang nakikinig sa kanila. Kanina pa sila ganyan. Ayaw nilang paawat. Kala mo naman sila lang ang tao dito.
"Tumigil na nga kayo!" awat ni Lindsey at mukhang nanghihina parin sya dahil halos wala pa syang pahinga ng dahil sa dalawang ugok na nag-aaway.
"Tumigil ka daw!" sigaw ni Steven kay Jayred.
"Tayo daw! Tayo!" balik naman na sigaw ni Jayred and with that nagsimula na naman silang magtalo.
"Walang Tayo! GAGO!"
"Anong pake ko?! Mas GAGO!
"Wala rin akong pake! Pinaka-GAGO!"
"Talk to my hand! Super-GAGO!"
Aba't! Naggaguhan pa talaga sila eh parehas lang sila. Mukhang hindi ata maganda kung magsasama sila sa isang lugar. Parehas pa naman silang mga gunggong. At siguradong mag-aaway lang sila ng mag-aaway. Sarap nilang pag-untugin. Dinudugo na ang ilong ko dito. Napatingin naman ulit ako kay Lindsey at nakita kong nakahawak na sya sa sintido nya. Mukhang sumasakit na ulo nya dahil sa dalawa at ganun din ako.
BINABASA MO ANG
Engaged into Love
Romance"Ang daling matulog, ang hirap bumangon. Ang daling mahulog pero mahirap mag move on. " Yan ang palaging nasa isip ni Lindsey. Dahil minahal lang naman nya ang lalaking flavor of the month lang pala sya. Minahal nya ang isang lalaking madaling mag...