Ella
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magsimula ang klase. Dalawang linggo na rin simula nang makapasok ako sa writers club. Nagtataka pa rin ako kung bakit ako nakasali agad, habang si Ari ay kailangan pang makisali sa essay writing nila para makapasok. Hindi naman sa ayaw ko, nakakapagtaka lang talaga.
Sinabi ng club president, si Bridgette, na starting ngayong week daw ay may meet sa office nila para sa training sa area contest ng journalism kaya ito ako ngayon naglalakad kasama si Ari. Nang makarating kami ay iilang estudyante palang ang nasa loob. Naupo kami sa likuran habang naghihintay sa mga officers na dumating.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago sila pumasok at may dala-dalang papel. Nahuli si Bridgette na pawisan pang naupo sa harapan. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at inilipat ito sa katabi kong manghang-mangha sa babaeng nakaupo sa harap.
“Sorry to keep you guys waiting. Hindi na ako magpapaligoy ligoy, we are going to choose ngayon kung saang category tayo papasok for the upcoming competition,” anunsyo ni Bridgette.
Hindi ko namalayang nawala na pala ang atensyon ko sa sinasabi niya nang napatulala ako sa paggalaw ng labi niya. Hindi naman sa may iniisip akong mali, pero the way na nagsasalita kasi siya ang ganda tignan. Super nakaka-agaw atensyon. Para bang artista na nasa pilikula, naaalala ko tuloy ang labi ni Sabrina. Sobrang ganda lang kasi tignan. Mapapawonder ka ano ang ginagamit nila para paplum.
“Ella?”
“El?”
“Ella!”
Agad na nabalik ang attensyon ko nang narinig kong tinawag ang pangalan ko. Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin na ikinapula ko. Nakakahiya naman, sobra.
“P-po?”
“I was asking if you're interested in joining the editorial contest.”
Napatango agad ako sa tanong ni Bridgette. Bahala na kung ano man 'yun, basta nahihiya na talaga ako.
Napapalakpak ito at ngisi. “Great! May contestant na tayo for editorial.”
Taka akong nakatingin sa kanila dahil parang ang saya nilang lahat. May namiss ba ako?
“Goodluck sa'yo, girl. Rinig ko na mahirap daw 'yan.”
Nanlaki naman ang mata ko sa binulong ni Ari.
Patay.
“So that's all for today. I need you guys to study your chosen category, and Ella pwede magpaiwan ka muna? I need to talk to you pa.”
Kaba akong napatango kay Bridgette. Nahuli niya kaya akong nakatingin sa labi niya kanina? Baka iniisip niya na may masama akong ginagawa sa isip ko. Baka ipareport ako.
Kinalabit ako ng kasama ko. “Mauna na ako, ha ? Hahabol pa ako sa jeep.”
Tumango ako kay Ari at kabadong lumipat sa upuan na malapit kay Bridgette. Nagpaalam na rin ang teachers at ang iba pang kasamahan kaya kaming dalawa nalang ang naiwan.
“So, about kanina...”
Ito na, wala na akong kawala. Sana naman hindi niya ako ireport. Baka pwede idaan namin sa usapan nalang. Luluhod ba dapat ako?
“Hey, El. You look pale. Okay ka lang?”
Tumango ulit ako at napansin kong tumutulo na pala ang pawis ko. Ano ba 'to. Hindi naman mainit sa loob, naka on pa ang mga ceiling fan.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.