Ella
Hindi pa rin kami nagkakausap sa personal ni Bridgette kahit sa school. Pati kasi doon, may bantay siya. Hanggang daan lang ako sa classroom niya at ganun din siya sa akin. Nag-uusap naman kami kapag gabi dahil sa tulong ni Ate Pen na nagspo-sponsor ng load sa kanya.
Nakatambay kami ngayon sa oval nina Sam at Ynnah habang nanonood sa mga estudyante na naglalaro ng soccer. Napansin nga rin ng ibang estudyante ang pagbabago sa closeness daw namin ni Bridgette, at ang iba ay nagtanong pa talaga sa personal kung ano ang nangyare.
Nakatunganga lang ako nang bigla akong tinawag ni Ynnah. Ininguso nito ang nasa unahan namin, kung saan naglalakad si Bridgette kasama si Ate P, at may dalawang lalakeng nakasunod sa kanila na nagbabantay sa kanya. Ano ba 'yan.
Umismid ako. “Huwag mo na inguso, hindi ko rin naman malalapitan.”
Mabilis niya akong sinundot sa tagiliran kaya napalakas ang sigaw ko. Naagaw nito ang atensyon nila Bridgette na mabilis na napangiti nang makita kami. Lalapit na sana ito nang hawakan siya ni Ate Pen at pinasahan ng tingin ang dalawang lalake sa likod. Umirap lang ito at binigyan ako ng malungkot na ngiti bago kumaway paalis. Marami ang nakapansin sa pangyayare pero wala namang naglakas loob na magtanong kung bakit ganito ang aming sitwasyon ngayon. Baka sa susunod na linggo pa kakalat ang chismis.
“Ayos lang 'yan, Ella. May araw din kayo,” komento ng pinsan niya habang inaayos ang upo sa nilatag niyang notebook ni Sam.
“Anong may araw. Para naman kaming mga makasalanan sa pananalita mo. Ayusin mo 'yang ano mo,” sermon ko sa kanya.
“Ang ano ko?”
“Ang mga words mo, tanga.”
Umusog papalapit sa amin si Sam para awatin na naman ang namumuong tensyon. “Oops. Huwag na magbangayan. May problema pa itong si Ella, tulungan muna natin.”
“Fine.” Ngumiti ang baliw na pinsan ni Bridgette sa amin. “May alam na akong gagawin.”
Mabilis akong umiling. “Wala akong tiwala sa mga naiisip mo, Ynnah Diane Drejo.”
“Hoy! Hindi mo pa nga alam ang gagawin ang judgemental mo na.”
“Aba! Ilang beses ka na ba nagplano ng gagawin at napalpak? Ewan! Hindi ko na mabilang.”
Naramdaman ko ang kamay ni Sam sa balikat ko. “Ella, makinig muna tayo sa kanya.”
Ngumisi ang isa na para bang nagtagumpay dahil pinayagan ito ni Sam.
“Kaya mahal kita, Sammy babes. Anyway, gusto ko sana palabasin si Bridgette at pagsasabihan ko si tito na may ganap sa bahay kaya kailangan ko ito. Ako na bahala sa palusot ko. Basta punta lang kayo sa bahay maaga pa sa maaga para walang makapansin. Magkukulong muna kayo sa kwarto hanggang sa mapalayas natin ang nagbabantay at makakasama mo na ng payapa si Bridgette your loves.”
Mabuti at hindi nalulunod sa kalokohan ang utak ng kaibigan namin ngayon.
“Sige, magri-risk ako. Pero ayusin mo ang palusot! Tanga ka pa naman magsinungaling.” Parang ako rin ito kapag nagsisinungaling, tumatawa kaya buking agad.
“Promise magiging seryoso ako. Hindi ko kayo bibiguin. Para sa love life mo!” Ngumiti ako at nagthumbs up pa.
Pinag-usapan muna namin ang planong pagpapaunta kay Bridgette at gaganapin namin ito sa Sabado para makapag-paalam ako ng mabuti kina Mama. Tiis lang ng konti, Bridgette.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.