Ella
Ngayon ang araw ng laya ko at nagpaalam ako ng maayos sa mga staff na mabilis kong naging kaibigan. Akala ko ikukulong talaga nila ako pero hindi. Napag alaman ko na kapag daw underage ang law offender, ipapadala nila sa youth rehabilitation center na nasa Cebu City pa. Kaso sa case ko, hindi na itutuloy dahil wala naman akong ginawa. Naging kaibigan ko pa nga ang mga staff na nagbabantay sa akin matapos kong ikwento ang nangyare sa kung bakit ako napunta sa pangangalaga nila.
Wala akong ibang teenager na kasama, lahat daw ay nasa center na sa Cebu kaya ako lang talaga mag-isa sa malaking room nila. Hindi naman ako nabagot dahil may nakakausap naman ako at nawili rin ito sa pakikinig sa akin. Sa katunayan, hindi na nga ako nalulungkot sa biglaang pagpapadala sa akin dito. Noong gabi kasi, kinausap nila akong lahat at tinanong sa kung ano talaga ang nangyare at umamin naman ako sa kung ano ang alam ko, pati na rin sa nangyare sa aking pag embistiga.
Alas nwebe nang dumating sina papa at mama na parehong naiyak nang makita ako. Tinawanan ko lang sila na para bang hindi na ako muntik mapahamak at niyakap nang makalapit na sila sa akin. Ibinalik na rin ng officer ang kinuha nilang gamit sa akin. Hindi mapakali si mama habang pauwi kami at halos kada oras ay nagtatanong kung ayos lang ba raw ako. Nagpatuloy ito hanggang sa makarating kami sa bahay kung saan marami ang sasakyan na naka garahe sa harap.
Nagtataka akong lumabas sa sasakyan ni papa at tinignan ang paligid. May party ba?
Lumingon ako sa gawi ni mama at nagtanong, “Ma? Anong meron?”
“Pumunta ang mga Auntie at Uncle mo, pati mga pinsan at kaibigan sa bahay dahil gusto ka nilang makita. Naghanda na rin kami ng makakain sa loob dahil baka gutom ka.” Tumango ako at nagsalita ulit siya, “Sigurado ka bang ayos ka lang anak? Alam mong pwede ka magkwento sa amin...”
Tumango ulit ako. “Ma, ilang beses ko bang uulitin na ayos lang ako. Hindi nila ako ginutom roon, sa katunayan nga ay ang sarap ng pagkain nila. Tsaka, alam ko naman na hindi ako mapapahamak kasi alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan.”
“Sana hindi ka na namin pinayagan sa balak mong pag-imbestiga sa Principal mo na 'yun, tignan mo ang kinahantungan, ” singit ni Papa.
Umiling naman ako sa sinabi niya. “Hindi naman ako nakulong. Tsaka, na-hit ko pa ang two birds gamit ang isang bato. Maging proud naman kayo sa akin, ” pabiro kong tugon. Umiling lang sila at niyaya na akong pumasok.
Pagkabukas ng pintuan ay muntik nang lumabas ang aking kaluluwa sa gulat. Sinigawan kasi nila ako ng 'Welcome Home' na para bang nagbakasyon lang ako sa ibang bansa ng limang taon.
Naunang yumakap ang dalawa kong kaibigan na umiiyak pa nang makita ako.
“Ynnah at Sam, akala n'yo siguro ako ang mauunang makukulong sa groupo, noh? Sorry kayo, hindi ko pa time.”
Naramdaman ko ang mahinang pagkurot ni Sam sa akin at ngumuso naman si Ynnah.
Pinunasan ni Ynnah ang kaniyang luha at nagsalita. “Mag i-ingat ka sa susunod! Muntik na akong mahimatay nang malaman ko ang nangyare sa'yo.”
“Hala ka, bakit hindi mo tinuloy?”
“Gago ka talaga.”
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.