Ella
Hindi ko na siya muling nakita pa. Pagkatapos ng gabing 'yun, wala na akong nakitang Bridgette. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa bahay nila. Ang tanging sagot lang sa akin ng mga tao ay umalis na ito at wala silang alam kung kailan ang balik niya.
Hindi siya nag-attend ng graduation nila. Ipinasa niya kay Ate Pen ang speech na dapat sa kanya. Pati si Ate Pen ay walang alam kung saan na ang best friend niya. Hindi na rin daw ito sumasagot sa kanyang mga tawag at lahat ng social media accounts niya ay deactivated.Nakausap namin ang grandparents niya at katulad din nila, walang idea ang mga ito kung nasaan na ang apo nila. Ang tanging sinabi lang nito sa kanila ay hayaan na siyang mamuhay ng hindi dinidiktahan. May inabot din sa akin ang lola niya bago kami umalis. Isang box na naglalaman ng lahat ng binigay ko kay Bridgette. Simula sa earphones, mga damit, pati ang kwintas. Hindi ko nga napigilan ang sarili kong mapahagulgol sa harap nila noon.
Ang sakit pala talaga maiwan. Lalo pa't alam ko na ako ang dahilan ng kanyang biglaang paglisan.
Wala eh, matigas ako. Hindi ko kayang pakinggan ang gusto niya. Palagi ko nalang siyang sinusuway. Ito na siguro ang karma ko sa sobrang tigas ng ulo.
Pero hindi naman ako sumusuko. Noong nag take ako ng entrance exam sa city para sa college, sinubukan ko siyang hanapin. Sinuyod ko ang lahat ng medical school, nagtanong ako, nagpatulong pa akong hanapin siya. Pati ang grandparents ko ay tumulong na rin pero hindi na eh. Wala kaming nahanap na Bridgette Drejo na nag-aaral sa ano mang paaral dito sa Cebu.
Umalis na nga talaga siya. Walang bakas kung saan at tanging masakit na salita lang ang huling iniwan.
Hindi naman ako galit sa kanya. Wala akong karapatan magalit dahil kasalanan ko lahat. Tanggap ko ang mga salitang ibinato niya kasi totoo naman lahat ng 'yun. Isa akong selfish na tao na walang alam na gawin kung hindi ay ang ipilit ang gusto ko.
Pagkatapos ng gabing 'yun, sinubukan ko talaga na kausapin siya at ayusin ang nangyare. Narealize ko kung gaano ako kamali sa naging desisyon ko. Pero too late na eh. Umalis na ito.
Napasinghap ako sa malamig na hanging dumapo sa aking balat. Gusto ko nalang ilunod ang sarili ko sa tubig para naman mawala na ang sakit. Ganito ba talaga kasakit iwan?
“Iiyak mo lang 'yan, Ella,” mahinang wika ng kaibigan ko habang hinahaplos ang likod ko.
“Ang sakit sakit pa rin, Ynnah. Hindi ko alam na ganito pala ang magiging resulta ng kagagahan ko. Ayaw ko na,” umiiyak kong sambit.
“Masakit talaga kasi alam namin kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa. Pero wala tayong magagawa, nangyare na, umalis na siya eh.”
Mas lumakas ang iyak ko. “Ang tanga ko. Ang gago ko. Gusto ko nalang ilunod ang sarili ko. Ilunod n'yo na nga ako.”
Mabilis akong itinulak ng kaibigan ko, at napasubsob naman ang mukha ko sa dalampampasigan. Hindi ako tumayo, mas lalo lang akong umiyak habang hinahayaan na mabasa ang katawan ko sa alon na lumalapit.
“Magpakalunod ka na. Gusto mo 'yan eh. Sige, hahayaan kita,” rinig kong sabi niya.
May narinig din kaming yapak na papalapit at nagsigawan naman ito. “Ella!” Mabilis akong pinatayo at pinaupo ni Sam na mukhang nabahala sa nangyare.
“Bakit ka nakahiga diyan? Magkakasakit ka sa lamig, baliw!”
“Sabi niya kasi sa akin na ilunod ko raw siya kaya itinulak ko na. Para naman bumalik na 'yan sa katinuan.”
“Ynnah! Susuntukin talaga kita kapag nagkasakit itong kaibigan natin,” gigil na sambit ni Sam habang pinupunasan ang mukha ko.
“Alam ko naman kasi na masakit ang nangyare. Isang taon na ang nakalipas pero madalas pa rin ang pag-iyak niya. Naawa na rin ako sa kanya, Sam. Hindi ko rin naman hahayaan na palagi nalang ganito si Ella. Kailangan niya rin mag move-on sa nangyare.”
Napaiyak na naman ako sa narinig. “Hindi ko kaya mag move-on! Mahal ko siya!”
Niyakap ako ni Ate Pen na nakatayo pala sa likod namin. “Alam namin, Ella banana. We know how much you love her. Pero kailangan mo rin maging okay.”
Nakita ko si Ynnah na tumango. “Kaya nga, kailangan mo rin labanan itong heart break. Mahal mo ang pinsan ko diba?”
Tumango ako habang humihingos.
“Edi magpaka-okay ka. Ayusin mo ang sarili mo at isipin mo ang dapat mong gawin bago kayo magkita ulit. I promise kapag alam ko na kung nasaan siya, ikaw nag una kong sasabihan.”
“Hindi ko alam kung papatawarin niya ba ako.”
Hinaplos ni Ate Pen ang buhok ko. “I know Bridgette. Kaya ka niyang patawarin. Mangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa'yo. Let's just wait, okay?”
Mahina akong tumango. Tama nga naman sila. Hindi pwedeng palagi nalang ako umiiyak. Ako na nga ang may kasalanan, ako pa ang panay iyak dito.
“Tama nga kayo. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Nangako ako sa lola niyang kapag naka-graduate siya ay hindi ko na siya papakawalan. Panghahawakan ko 'yung pangakong 'yun.”
Binigyan nila ako ng ngiti.
“Magiging okay rin ang lahat, Ella.”
“She will forgive you.”
Tumango lang ako kay Sam at Ate Pen.
Mahal ko si Bridgette kaya gagawin ko ang lahat para maayos ko ang sarili ko.
Wait for me, Bridgette. I'll be better and I will make sure na gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako...
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.