Chapter Twenty Three

972 63 7
                                    

Ella

Sa sobrang galit ko sa nangyare, hindi ko na namalayang napahigpit na pala ang hawak ko sa kamay ni Bridgette. Nasa labas na kami ng bar kung saan marami ang taong may kani-kaniyang ginagawa. Binitawan ko ang kamay niya. Inilipat ko naman ang akin sa magkabilang baywang ko, sabay taas ng isang kilay sa babaeng kasama ko.

  “Sabihin mo, ano pa ang ginawa ng gagong 'yun sa'yo?”

  Huminga muna siya ng malalim bago sumgot. “I was just going to the CR tapos sumunod siya kahit na anong pilit kong sabi sa kanya na huwag. So when I asked him to go away, he trapped be between his arms and told me na huwag daw ako magpa-hard to get. I told him na I'll scream if he won't back off, but he just laugh and put his arms into my mouth then whispered inappropriate things. Mabuti nalang talaga at dumating ka-”

  “Mabuti nga! Kung hindi baka ano pa ang ginawa sa'yo nun! Bakit ka ba kasi nakikipag date sa kanya?” Inis kong putol.

  “Wha...huh? Date? Gosh, no! He asked me to go out with him but I refused because I have someone special na. He thought siguro na I was kidding kaya naging persistent siya. I didn't know na it'd turn out like that.”

  “What? Akala ko date mo siya...”

  Magkasalubong ang kilay niya habang tumitingin sa akin. “Why would you think like that? I'm obviously into you if you remember my confession.”

  Nawala ang inis ko at napalitan naman ito ng hindi ko maiwaring emosyon sa sinabi niya.

  Napansin niya ito at ngumiti ng nakakaloko sa akin. “Kinikilig ka noh?”

  Pinilit kong huwag ilabas ang ngiting gustong kumawala sa aking labi. “Hindi, ah. Nanggigigil pa rin ako sa gagong 'yun. Kapag talaga nakita ko ulit 'yun ay isasama ko na sa pag patid ang utak at organs niya.”

  Imbes na sumagot, lumapit si Bridgette sa akin at hinila ako para yakapin. Nalanghap ko na naman ulit ang strawberry scent na perfume niya. Ang bango talaga.

  “Thank you for being my savior, sweetie, ” mahina niyang bulong na nagpatayo sa balihibo ko.

  Nauna akong kumawala dahil hindi ko na kinaya ang kabog ng puso ko. “Walang ano man. Gusto mo bang i-report natin? Sure akong makukulong siya agad-agad.”

  “Nah. I'll text the guard and sila na ang bahala sa kanya. Do you want to go to the playground with me?”

   Tumango ako. Kinuha niya muna ang cellphone niya at nag text sa guard. Pagkatapos ay kinuha naman niya kamay ko at hinila ako papunta sa playground na nakapwesto sa gilid ng gate.

  Bagong ayos lang ang playground at may mga bagong slide ito. Inaya niya akong humiga sa slides na sinunod ko naman. Tahimik kaming nanood sa pagkislap ng bituin, tanging paghinga lang at ang ingay sa disco sound ang maririnig. Naramdaman ko ang paglipat ng tingin niya sa akin kaya tinignan ko rin siya sabay angat ng isang kilay ko.

  “You look beautiful. ”

  Nilakihan ko siya ng mata sa sinabi niya. “Kung may maganda man ngayon, ikaw 'yun at hindi ako.”


  “Don't dodge my compliment. I mean it when I say na you're beautiful.”

  Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang mapigilan ito sa pag-ngiti. Napansin niya ito kaya nagbaba siya ng tingin sa labi ko at pabalik sa mata. Para bang may gusto itong gawin ngunit may pumipigil sa kanya.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon