Chapter Thirty-four

847 66 10
                                    

Bridgette

We're now done playing card and video games, pero ang awkwardness between me and Ella ay mas lalo lang lumala. Kanina, while playing, we became team mates, but we didn't win kasi nga hindi kami nag-uusap and she keeps on doing things on her way. Stubborn as usual.

  Nakapag dinner na rin kami at naghahanda na para sa tulog. Pero hindi naman kami agad nakatulog. They decided to talk about random things, where me and Ella are just nodding and giving small comments. Napagod rin sila hours later at nag decide na matulog na. Kami ni Pen sa guest bedroom, tapos silang tatlo naman at Ynnah's room. Mabilis na nakatulog si Pen while I keep on tossing and turning, my mind keeps on bugging me na nasa kabilang room lang si Ella.

  Kanina, when I saw her, I badly want to hug her like what Pen did. I badly want to hear her say na namiss niya ako, like what she said to Pen. Nakakainggit nga na ang kaibigan ko ay nakakausap niya, while me and her are still awkward since the argument we had. I realized na I'm a little harsh lang din noon sa pag react, and I should apologize. Pero I don't know how to approach her. She seems mad at me, kaya natatakot ako baka mas lalo ko lang madagdagan ang bawas points ko sa kanya.

  Giving up on tossing and turning, tumayo na ako at dahan-dahang umalis ng kwarto para magpahangin sa labas. Nagnining-ning ang mga bituin, at maganda ang liwanag ng buwan ngayon. Uupo na sana ako sa bench nang may napansin akong bulto ng tao na nakatalikod habang tumitingin sa langit. Malakas ang hula ko na kilala ko ito, at base sa likod niya ay kinukumpirma kong si Ella ito.

  Huminga ako ng malalim bago siya nilapitan at tinabihan na ikinatalon niya sa gulat. Nang kumalma ay hinawakan niya ang puso niya sabay tingin ng masama sa akin. “Ano ba! Kanina ka pa nanggugulat!”

  “Sorry. I was about to sit on the bench doon.” Tinuro ko ang bench sa likuran bago nagpatuloy, “When I saw you here, I decided to say hi-I mean, join you. If it's fine to join you of course. Pwede ba kitang samahan dito?” I am stuttering na and I know na ramdam din niya ang kaba ko kaya tumango siya.

  “Wala namang problema. Sure. Kalma ka lang.”

  I also nodded, grateful na hindi niya ako pinaalis. I took a few deep breaths bago ulit naglakas loob na mag salita. It's now or never. “Ella, I'm sorry. I had been harsh to you. I understand naman na you were just telling him to go na noon because he was stubborn. I realized na I had reacted badly, kaya I'm really sorry.”

  She looked at me surprised. I guess she didn't expected me to say things like that. She was silent for a moment, which made me nervous dahil natatakot ako na baka hindi niya tanggapin ang apology ko. Pero a little later, bigla niya akong hinila at nasubsob naman ako sa chest niya na ikinabigla ko.

  Holy macaroni! I'm not expecting a hug, and also a meet her chest this early ha.


  “I'm sorry. Ako rin naman naging bastos kaya may kasalanan ako. Tama ka naman sa mga sinabi mo na matigas ang ulo ko at hindi ako nakikinig, tapos ako pa ang nagagalit kahit ako na ang may sala. Sorry talaga. Ang akin lang kasi noon, ayaw kong magpa-epal si Angelo kasi kasama ka na nga niya the whole practice, pati ba naman ang konting time ko na kausapin ka hindi niya pa ibibigay. Syempre maiinis talaga ako kasi ang tigas ng bungo niya, pero kalimutan na natin 'yun. Sorry na.”

  The whole time she's apologizing ay nakasubsob lang ako sa chest niya, inhaling her sweet scent. Napangiti naman ako sa yakap at tinaas ang kamay ko, sabay ikulong ito sa likod niya, hugging her back.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon