Ella
Inabot kami ng hating gabi bago matapos. Sa sobrang pagod namin ay sabay na kaming naknocked down sa higaan ko. Mabuti nalang talaga at nag alarm ang cellphone ko dahil baka inabutan na kami ng lunch sa sarap ng tulog namin. At dahil tinamad na si Bridgette umuwi para magbihis ay pinahiram ko nalang siya ng damit at pants. Nag almusal din muna kami bago umalis para maghanda na sa performance mamaya na gaganapin sa cultural hall.
“Kinakabahan ka ba?” tanong ko sa kanya habang papalapit kami sa gilid ng cultural. Hawak niya ngayon ang ibang props na ginawa namin at ako naman sa iba.
“Super. First time ko pa naman mag perform ng ganitong role sa stage. Manonood din kasi sila Mommy kaya kinakabahan ako lalo.”
Ohh, oo nga pala. Umuwi pala ang parents niya para manood at makifiesta.
“Kaya mo 'yan. Si Bridgette ka kaya.”
“Pero kinakabahan talaga ako. Wala bang good luck kiss diyan?”
Agad na napahinto ako sa narinig. Good luck kiss? Seryoso siya? “Huh? Pinagsasabi mo?”
“Wala. Nanghihingi lang pampaswerte. Sa front row ka manood mamaya, ha?”
Tumango ako. Nagplano kami ni Sam na pumwesto sa harap kahit na makipagsiksikan pa kami.
“Mabuti naman at bati na kayo. Akala ko magkaka-drama na naman tayo mamaya.” Biglang singit sa likod ng isang pamilyar na boses.
“Tumahimik ka Ynnah. Baka ikaw ang hindi mababati sa akin. Nag ayos ka na ba para mamaya?” tanong ko sa babaeng mukhang ready na sumabak sa gulo.
“Syempre! Kagabi ko pa nga pinaghandaan ang lahat. Speaking of kagabi, hindi ka raw umuwi sa inyo Bri?”
Tumango si Bridgette. “Tinulungan ko si Ella na tapusin ang mga ginagawa niya. Napagod kaming dalawa kaya nakatulog na ako. I also texted Mommy, she said ipapadala nalang niya mamaya ang mga damit na gagamitin ko.”
Hinayaan ko na silang mag usap saglit at umalis na para ihatid ang props sa aming pwesto. Ilang minuto pa ay nakita ko na si Sam na papalapit sa akin, may hawak itong pagkain na inabot sa akin.
“Salamat. Tapos ka na ba sa pagaayos ng gagamitin sa club ninyo?”
Sa sports kasi ay mag-peperform sila ng mga tricks at si Sam ay na assign din sa mga props kaya free na kami ngayon. Si Ynnah, originally from dance club, ay nag shift sa drama dahil gusto niya raw mag acting.
“Yep. Kanina pa.” Inaya niya muna ako umupo sa gilid habang kumakain.
“Balita ko nagkasagutan daw kayo ni Bridgette at Stella, tapos pinagalitan ka raw.”
Hindi na ako nagtaka. Talo pa nila si flash sa bilis magpakalat ng balita.
“Sila naman may kasalanan. Si Stella, hindi tumitingin sa dinadaanan kaya nasagi ako. Si Bridgette, parang tanga na kumampon sa isa kaya ayun nagkasagutan kami. Pero ayos na kami ni Bridgette. Nagsorry na siya kagabi.”
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.