Chapter Twenty One

915 76 27
                                    

Ella


Sa sobrang bigla ko sa ginawa ni Bridgette ay nakalunok ako ng tubig na naging dahilan sa muntikan ko nang pagkalunod. Mabuti nalang ay mabilis niya akong naibalik sa mas mababaw na parte kaya naging maayos ang paghinga ko.

  Tahimik kami ngayon habang naglalakad papunta sa cottage. Namumula ang mukha niya, ngunit hindi ko matukoy kung dahil ba ito sa paghalik niya sa ilong ko o dahil sa init.

  Ilang hakbang nalang sana kami sa tent nang makasalubong namin ang hindi namin inaasahang tao na makikita rito. Nanlaki ang mata namin ni Bridgette at pati na rin ang sa kanila. Bigla nilang binitawan ang magkahawak nilang kamay at kabadong ngumiti sa amin.

  Walang may balak na magsalita kaya inunahan ko na sila.

  “Magandang araw, Sir Bob at Ma'am Ren.” Sa sobrang laki at plastik ng ngiti ko ay naramdaman kong sumakit ang bibig ko.

  “Hello... Hello rin sa inyo! Bakit kayo nandito?”

  Nagpalitan kami ni Bridgette ng tingin at napansin kong namula ang pisnge niya. Kailangan ko talaga itong kausapin mamaya.

  “Gusto po naming mag tanim, sir.”

  Napataas ang kilay niya sa pagbibiro ko.

  “Joke lang, sir. Magswiswimming po kami. Kayo? May outing ba ang mga teachers? Close po pala kayong dalawa?”

  Masama ang tingin ni Ma'am Rev sa akin pero hindi ko ito pinansin.“May ano kami—may meeting kami ni Rev kasama ang ibang mga head sa paaralan. Oo, ganun nga.” Sa sobrang kaba ni Sir hindi na ako magtataka kung nakaihi siya sa suot niyang khaki short.

  “Ohh, asan po ang cottage ninyo?” inosente kong tanong. Hindi ko talaga papalampasin ito dahil huling-huli ko na sila.

  “Bakit mo kami tinatanong? Hindi mo ba alam na Principal at Guro ang kausap mo ngayon?”

  “Bawal po pala magtanong, ma'am?”

  “If you two excuse us, may meeting pa kami.” Hindi na nila hinintay ang sagot namin at agad na nagmadaling bumalik sa building kung saan nakalocate ang restaurant.

  Nagbaling ako ng tingin sa kanina pang tahimik na si Bridgette at tinaasan siya ng kilay. “Sabi sa'yo na totoo ang hinala ko.”

  “Ella, why did you do that? Baka mapag initan ka nila ng ulo. Who knows what they will do.”

   Umiling ako kay Bridgette at nauna na naglakad pabalik sa cottage. “Alam mo, ang mga katulad nila ay hindi dapat kinakatakutan. Sila ang may ginagawang mali. Seryoso na ako sa gagawin ko, hindi deserve ni Ma'am Silvia ang gaguhin ng asawa niya.”

  “Who is she?”

  “Asawa ni Sir Bob. Nakilala ko ito noong nagpunta kami ni Mama sa isang event. Ang bait nga.”

  Nagakusap kaming dalawa dahil nagpakilala ako. Napag alaman ko rin na may dalawa silang anak at pareho itong nasa kolehiyo na.

  “What's your plan?”

  “Magsasalita na ako. Kailangan kong mag report. Hindi naman talaga tama ang ginagawa nila. Kakausapin ko muna si Ma'am Silvia.”

  Tahimik siyang umiling at inilayo ang tingin. Kinuha ko ang towel na nakapatong sa bag at nagpunas. Hindi nagtagal ay tumayo rin si Bridgette upang gawin ito. Pagkatapos ay napagdesisyunan naming kumain kaya naglakad kami papunta sa restaurant ng beach resort. Hindi na namin inaasahang makakasalubong ulit namin sina Sir Bob dahil malamang sa malamang ay nakaalis na ito. Sa sobrang kaba ng mukha niya kanina muntik na akong matawa. Cheaters nga naman kapag nahuhuli.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon