Bridgette
I am surprised na walang guards na nagbabantay nang makalabas ako sa kwarto ko. Kahit sa sala ay wala na rin ang mga nagbabantay. I tried asking the maids kung nasaan na, ang tanging sagot lang nila ay hindi rin daw nila alam.
I didn't saw my parents sa kainan kaya mas lalo akong nagtaka. Hinatid ako ni Kuya Pot na walang alam din sa biglaang pagkawala ng guards. Sa kanto lang ako bumaba at naglakad na ako papunta sa gate kung saan nakita ko si Ella na nakupo sa upuan ng guard habang humihikab. I took out my phone para tignan ang time and I was surprised to see na it was 6:57 pa lang. She usually goes to school kapag alas syete or eight na. It's unusual of her to go this early.
Sumilip muna ako sa likod ko kung may mga guards ba na sumunod but I found none. Mabilis kong nilapitan ang girlfriend ko na humihikab pa rin. Gosh, I love calling her my girlfriend.
“Sweetie!” nakangiti kong tawag sa kanya.
Mas mabilis pa ito kay flash na tumayo at tumingin sa akin. “Bridgette!”
I pulled her close, not minding the curiosity of the students around. I missed being this close to her.
Kumalas siya sa yakap pero she's still holding my waist, hugging me close. “Sandali, asan na ang guards mo?”
I shrugged. “I didn't see any of them nang magising ako. I'm shocked nga eh.”
“Whoa. Talaga?”
Tumango ako. “Yeah. Kaya hayaan na natin. Pwede na kitang ihatid sa room mo. Bakit pala hindi ka late?”
Dumaing ito ng napakalakas. “Si Ma'am sa Gen math! Sabi niya agahan ko raw ngayon kasi kailangan ko na ipasa sa kanya ang papel kong nalate kahapon. Ito na ako ngayon, naghihintay sa kanya. Inaantok pa nga ako. ”
“Awe. Puyat ka ba, sweetie?”
“Puyat ako kakagawa ng assignment ko sa Statistics. Nakakinis na nga, gusto ko na tumigil.”
I laughed at her and pecked her cheek na agad namula. “Kalma ka na. You are just sleepy. Nakakain ka ba?”
Tumango siya. “Pinalamon ako nila mama. Ikaw ba? Nakakain ka ba?”
“Yeah. Naparami nga kasi wala ang parents ko.”
“Mukhang free ka na ata...” she trailed off.
“But hindi ako nakakasiguro until when. Let's be maingat pa rin. Mamaya, kapag walang guards na magbabantay, susunduin kita,” I said, playing with her fingers.
Tumango lang ito at hinayaan ako na samahan siya sa paghintay sa teacher niya. After niya mapasa ay naglakad na kami papuntang building ng seniors, kung saan maraming mata ang nagtataka na nakatitig sa amin. Some greeted us, while some were confused. Baka akala nila noon natigil na talaga kami. Sorry nalang sila. Hindi ko titigilan si Ella.
Since she's my girl na, I am free na to kiss her without being ultimate embarrassed na I just did. Pero knowing na ayaw niya ng attention, I just settled for side hug. I bid my goodbye to her, while her classmates are staring at her as if they're about to pounce on her the minute I walk out of their room.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.