Ella
Pangatlong araw na ngayon at naghihintay na kami ng van para sakyan papuntang pier pabalik sa isla. Nakapag awarding na rin at konti lang ang magpapatuloy sa amin sa next level. Si Bridgette at ang tatlo pa naming kasama. Hindi naman ako sobrang nalungkot kasi it's my first time at alam ko namang ginawa ko ang best ko. Pinangako ko nalang na babawi next year.
Nang dumating ang dalawang van ay agad akong pumasok sa isang kulay black, at pumwesto sa second row from the front. Hindi tumabi si Ari dahil gusto niyang nakaupo sa likod kaya hinayaan ko na. Hindi rin nagtagal ay pumasok si Bridgette at agad na umupo sa tabi ko. Nakangisi pa ito at inabot ang hawak niyang pagkain.
“Anong gagawin ko dito?” tanong ko sabay angat sa binigay niya.
“Eat. Hindi kasi kita nakitang kumain kanina sa room. I don't want you to starve, kaya I bought you a food.”
Umiling ako at ngumuso. “Hindi ka na sana gumastos pa. Share nalang natin?”
Tumango siya at kinuha ang pagkain sa kamay ko para buksan. Nag offer din ako sa mga kasama namin sa loob kaya mabilis itong naubos.
“Pwede po ba tayo mag stop over sa jabee? Nakita ko po na meron sa kasunod na lungsod. Libre ko na po sa lahat.”
Biglang nag ingay ang mga kasama ko sa sinabi ni Bridgette. Umayos naman ako sa pag-upo upang maipwesto ko ng maigi ang ulo ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nag stop over sa jabee, si Bridgette kasama si ma'am lang ang lumabas para daw hindi na kami matagalan. Pagkalabas nila ay inabot muna nila ang tatlong pinamili sa kabilang van bago bumalik sa amin.
“Hey guys, ito na ang food and drinks.” Inabot ni Bridgette ang dalawang dala niya sa likod at tumabi na ulit sa akin hawak ang isang plastic ng food sa kamay.
Grabe, ilan kaya ang nagastos niya?
“Hey, I found out na you love ice-cream so I bought you a sundae.”
Napakunot ang noo ko sa babaeng malaki ang ngiti. “Paano mo nalaman? Pinaimbestigahan mo ba ako?”
“Pen told me. So ubusin mo na baka mag melt.”
Tumango nalang ako at agad na sinimulan ang pagkain. Nang makain ko na ang halos kalahati ay agad akong nakaramdam na parang nasusuka. Muntik ko na makalimutan, hindi pala ako fan ng byahe.
“Are you alright? You look pale.”
Umiling ako sa tanong ni Bridgette. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, at kailangan ko pang lumiyad para maabot ito.
“Nasusuka ako.”
Pagkarinig niya ay agad niyang ipinatong ang ulo ko sa balikat niya at hinilot-hilot ang temples ko. Kinuha niya rin ang ice-cream na hawak ko, at pinaayos ang upo ko.
“Malapit na tayo. Don't think na susuka ka. Baka matuluyan. Wala pa naman akong plastic na dala. Relax ka lang, sweetie.”
Hindi ako nakasagot dahil sa sobrang hilo. Baka kung magsalita pa ako ay mapahiya ako sa pagsuka. Isang oras na hirap pa ang dinanas ko sa van bago kami nakarating sa port. Agad akong sinamahan ni Bridgette sa banyo at tinulungan akong mag ayos.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.