Chapter Twenty Six

866 58 3
                                    

Bridgette

Ngiti ang sagot ko sa tuwing may mga students na kumakaway at bumabati tuwing nakakasalubong ako. Except kay Ella. Hers is more special. Nakasalubong ko ito na tumatakbo papunta sa classroom niya habang hinihingal. Napansin niya ako sa daan kaya agad siyang tumigil para tignan ang kabuoan ko. Namula ako sa gesture. I wish I didn't look awkward right now.

  Gosh, I need to calm down. Bawal kiligin ng sobra sa mga titig niya.


  “Saan punta mo?” she asked, panting heavily. Hula ko late na naman ito kaya nagmamadali.

  “Sa council room. May pinapahatid sa akin si Ma'am. Let me guess, you're late na naman?”

  Tumango siya at ngumiwi. “Ayaw ko nga sanang pumasok kaso si Mama sobrang mapilit. Gusto mo mag cutting ulit tayo?”

  Bago pa ako makasagot ay biglang sumingit ang adviser nila. “Saan kayo pupunta, Ella?” ngising tanong ni ma'am habang nakapwesto sa magkabilang side ng kanyang baywang ang kanyang kamay.


  Nagpipigil akong tumawa sa gulat na expression ni Ella. Pinulol niya muna ako ng tingin bago sumagot, “Si Bridgette po, ma'am, nag tanong ako kung gusto niyang i-cutting ulit namin ang dress niya. Papasok na ako, ma'am.” Then she nodded defeated in my way. I just bid my goodbye sa kanya at sa guro bago ako lumakad.

  Aww, kawawang Ella hindi makatakas.

  My grin is wide habang naglalakad. I bet some thought na I'm getting nuts na, pero who cares naman. Paliko na ako nang bigla kong nakasalubong ang mga students from lower grade. Binati nila ako at ang isa ay lumapit pa para magtanong.


  “Hi, Bridgette! Close po ba kayo nung Ella?”

  Tumango ako at ngumiti naman ito. Judging from his looks, mukhang nasa grade 9 na ito. He took something from his bag and handed it to me. “Pabigay naman po nito sa kanya. Nahihiya po akong lumapit. Crush ko po kasi siya.”

  My eyes widen and I almost drop the box he gave. Ang dami kong karibal. Damn. Nagpaalam kaagad ito at hindi man lang napansin ang masamang tingin ko. Magkasalubong ang kilay ko hanggang sa makarating sa room. Napapanguso rin ako sa tuwing nakikita ko ang box na pinapabigay kay Ella. At some point naisipan kong huwag na itong ibigay but it'd be unfair to that kid. Pen even noticed my mood at tinanong ako kung ano ang problema but I just shrugged her off. After class, hinintay ko si Ella sa stairs na palagi niyang dinadaanan. Almost half an hour din bago siya bumaba kasama ang mga kaibigan niya. I smiled at them and excused Ella. Nakahanap kami ng empty classroom kaya pumasok kami roon at umupo. She placed her bag at the other chair, shifting to make herself comfortable in her seat.


  “Anong gagawin natin dito?” she asked, placing both her feet sa kabilang chair.

  I took out the box from my bag and handed it to her. “May nakasalubong akong admirer mo kanina. He asked me to give this to you.” Medyo padabog ang pag-abot ko na napansin naman niya at sinuklian lang ng isang nakataas na kilay.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon