Chapter Forty-five

804 54 10
                                    

Ella

Alas singko pa lang ay nagising na ako. Kahit medyo puyat sa nangyare ay hindi naman na ulit ako dinalaw ng antok. Nakangiti akong pinagmasdan ang mukha ng katabi ko ngayon.

  Ang ganda niya.

  Hindi ko inakala na mangyayare 'yun kagabi, pero hindi naman ako nagsisisi. Masaya ako sa nangyare at masaya ako na alam niya na rin na mahal ko siya.

  There's no point in hiding it from her. Maingat kami sa ginawa namin, pero hindi ko mapigilan na kabahan dahil sa bilin ni mama. Pero ayos lang, hindi rin naman ako mabubuntis. Sana lang hindi ako masapak.

  Ilang minuto pa ang nagdaan bago ito napadilat ng dahan-dahan. Ngiti ang sinalubong niya sa akin at ako naman ay ngiwi.

  “Good morning, sweetie,” bati niya at mabilis akong hinila sa papalapit sa kanya. “Bakit ka nakangiwi?”

  “Ang aga-aga kasi 'yung ano mo agad ang sumalubong sa akin. Nakakapanibago lang,” sabat ko at pinukol ng tingin ang harapan niya.

  Malakas itong napatawa at hinalikan ang noo ko. “Sorry. I'm more blessed kasi sa ganyan. Yours are perfectly fine naman. I won't complain na.” Sinabayan niya pa ito ng wink.

  “Edi thank you.”

  “Yours naman ito. Don't worry that much.”

  Natawa akong hinampas ang balikat niya. “Huwag kang ganyan, Bridgette.”

  “What? I'm just telling you the truth. Anyway, how are you?”

  “I'm fine. Masaya ako. Masaya ka ba?”

  Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. “Sobra. I love you.”

  Ngumiti ako. “Hmm, thanks. May gusto akong itanong.”

  “Sandali, thanks lang? Walang ibang sumpon?”

  “Edi thanks very much.”

  Natawa ako sa pag-asim ng mukha niya. Ang cute.

  “Joke lang. Mahal kita, Bridgette.”

  “Good. Very good! Ano ba ang tanong mo?”

  Kinakabahan akong ngumisi sa kanya. “Ano lang. Uhm...”

  “What?”

  “Sandali! Kinakabahan pa ako.”

  “Huwag ka kabahan.”

  Inirapan ko siya. “Edi ikaw na magsalita. Hindi ka naman makapaghintay.”

  “Chill, sweetie. Ito na, hihintayin na kita hanggang sa hindi ka kabahan. I'll be patient oh. Patient.”

  “Okay, wait.”

  Inalayo ko ang tingin ko sa kanya at nagpakawala ng hininga bago ibinalik ulit.

  “Do you want to be my girlfriend?” Mabilis kong tanong habang ang puso ko naman ay tumatambol sa kaba.

  Napaawang ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas, hindi pa rin ito sumasagot. Mas lalo akong kinabahan pero hindi ko na ito pinansin. Ano ba 'yan, sumagot ka na.

  “Tama ba ang narinig ko?” tanong niya habang mukhang nabigla pa rin.

  Tumango ako. “Yes.”

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon