Chapter Thirty-five

882 59 11
                                    

Ella

Namula kami ni Bridgette at mabilis na tumayo sa kinauupuan namin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang napanood nila pero sana naman hindi ang kiss. Binigyan lamang kami ng ngiti ng tatlo na para bang wala silang ginulat sa ginawa nila.

  Naunang nagsalita si Ynnah na siyang may pinakamalakas na cheer kanina. “Mabuti naman at nagkabati na kayo.”

  Tumango si Ate Pen at nagdugtong, “We were worried na hindi mag wowork ang plan namin.”

   “Oo nga,” singit naman ni Sam.

  Wait, plan? So pinlano nila?

  Tinaasan ko ng kilay si Bridgette pero nag-kibit balikat lang din ito. “I don't know what they are talking about.”

  Ibinalik ko ang tingin sa tatlo at sila naman ang tinaasan ko ng kilay. “Anong plan?”

  Lumapit sila sa amin tsaka nag explain si Ynnah. “Kasi naman palagi kang nakamukmok, iniisip mo kung paano kakausapin si Bridgette ng hindi nag fi-first move kaya bilang helpful friends, sinabihan namin si Pen na sumama sa ginawa naming plano.”

  Tumango si Ate Pen at nag peace sign sa amin.

  “Pero si tito tumawag sa akin para bantayan ka raw dito ah?” tanong ni Bridgette.

  Tumango si Ynnah. “Inutusan ko siya. Ako nagsabi na tawagan ka.”

  Umiling nalang kami ni Bridgette sa tatlo. At least nag work ang plano nila. May pasobra pa nga kasi napaamin na ako.

  “Wait, kanina pa ba kayo nakatayo here?” tanong ni Bridgette sa tatlo.

  Umiling sila. “Basta ang nakita lang namin ay muntik na kayong magkalikan.” Ipinagdikit pa ni Ynnah ang dalawang kamay niya, acting a kiss. Baliw talaga.

  Pinagsabihan silang tatlo ni Bridgette na tinawanan lang nila. Hindi nagtagal ay bumalik na kami sa taas at nag decision na magpahinga. Akmang aayain pa sana ako ni Bridgette na matulog kasama sa guest bedroom pero hinila na ako nila Sam at Ynnah, sabay sigaw na bawal pa raw.

  Masaya akong nakatulog dahil nagkaayos na kami at alam niya na rin ang tinatago ko. Hindi ko man binalak na umamin at hindi ko man narinig ang full comment niya, importante ay alam na niya. Nakakagaan sa damdamin.

  Maaga pa lang ay nagising na ako dahil sa sobrang inis kay Ynnah. Panay yakap kasi kahit anong gawin kong sipa at tulak. Tumayo na ako sa malaking kama at dumeretso na sa baba kung saan naabutan ko sina Ate Faye, Juvy, at si Bridgette na nagkakape ata sa kusina. Narinig ata nila ang papalapit kong yabag kaya nagsilingon sila sa gawi ko. Ang una kong napansin ay ang ngiting lumabas sa magandang morning face ni Bridgette nang makita ako. Agad itong tumayo sabay alok sa upuan na inupuan niya.

  “Sit here. Let me get you a drink. Ano gusto mo?”

  Gusto ko sanang sagutin na ikaw kaso baka mamatay siya sa kilig kaya sumagot nalang ako ng maayos. “Gatas nalang.”

  Tumango siya at mabilis na lumakad para maghanda. Binati ko rin sina Ate Faye at Juvy, na magiliw nilang ibinalik.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon