Chapter Forty-seven

1K 51 7
                                    

Ella

True to their words, hindi na talaga pinabantayan si Bridgette. Hinayaan na kami na magsama at hindi na pinapakialaman. Halos araw-araw ay magkadikit kami dahil na rin sa hindi busy na schedule sa kaka-practice ng graduation at moving up. Palagi rin itong dumidikit sa akin at marami ang nakakaalam na kami na. Ipinagkalat niya kasi matapos may lumapit sa akin na isang taga grade ten para magbigay ng regalo. Selosa talaga.

  Ilang weeks na rin ang nakalipas at sa susunod na araw ay graduation na nila at moving up naman namin. Hindi ko mapigilan na malungkot sa mabilis na pagtakbo ng panahon. Ilang araw nalang...

  “You look so serious naman, sweetie.” Pag-agaw atensyon ng babaeng nakakapit sa kamay ko na parang linta. Hindi naman ako nagrereklamo, medyo mabigat lang talaga ito.

  “May iniisip lang ako. Saan mo ba gusto kumain?” tanong ko nang makalabas kami sa gate.

  Umiling lang siya at inaya ako sa burger junction. Masaya itong nag-order habang kapit na kapit pa rin sa akin.

  Hindi ko naman makalimutan ang pinag-usapan namin. Sa tuwing iniisip ko kasi na mag-aaral na ito sa college, nalulungkot ako. Hindi dahil sa malalayo na siya sa akin, kaya ko naman na hintayin siya. Ang ikinalulungkot ko lang ay ang ginagawa niyang desisyon para rito. Hinahayaan niya na naman na ang pamilya niya ang magsulsol sa kanya sa gagawin niya. Paano na ang pangrap niya?

  Alam kong mahalaga para sa kanya ang rekomendasyon ng kanyang pamilya sa pag-aaral kaya hindi ko siya mapapagsabihan na kausapin ang mga ito sa gusto niya. Pero kung hindi niya sila kayang kausapin, pwes ako na ang kikilos para sa kanya.

  Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa school. Nagkahiwalay lang kami nang sunduin ito ni Ate Pen dahil may ensayo pa ito sa kanyang gagawing speech. Nag paalam din naman ako sa kanya na hindi ko siya masasabayan mamaya dahil may lakad ako. Sana lang pumayag sila.

  “Hoy! Saan ka na naman pupunta?”

  Napalingon ako sa boses ng kaibigan kong nagmamadaling lumapit sa akin. Hindi pa kasi malayo sa school ang nilakad ko.

  “May lakad lang ako, Ynnah. Huwag kang mag-alala, hindi na ako manghuhuli ng kriminal,” pabiro kong sagot.

  Naikwento ko sa kanila ni Sam ang pag-uusap namin ng lolo at lola ni Bridgette. Hati rin ang opinyon nila. Si Sam ay medyo nainis dahil bakit raw kinausap ko na hindi nagpaalam kay Bridgette at itong si Ynnah naman ay go lang daw basta ang importante ay masaya.

  “Pwede sumama? Nababagot na ako sa mukha ni Sam. Palagi ba naman tahimik at tulala,” reklamo niya.

  Umiling naman ako at inakbayan ito. “Pasensya ka na, friend. Importante itong lakad ko kaya huwag ka na makisabay.”

  Taka itong tumingin sa akin. “Saan ba ang punta mo?”

  “Sa lolo at lola ni Bridgette. Kakausapin ko sila kasi may gusto akong iparating.”

  “Ella,” tawag niya sa akin at mabilis akong binatukan.

  “Aray! Ano ba!”

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon