Chapter Eleven

1K 71 2
                                    

Ella

Pagkatapos naming kumain ay nag excuse kami ni Bridgette papuntang kwarto. Naramdaman ko pa ang titig ni Mama sa akin na para bang may hinihinala siya. Simula kasi nang umamin ako sa kanya, hindi na siya natigil sa kakatanong kung ano raw ba ang mga ginagawa ko. Baka akala niya nagiging agent na kapag baliko.

  “Your room is...”

  Hindi ko na siya pinatapos at ako na ang nagsumpon.

  “Magulo. Hindi ko kasi naayos kaninang umaga dahil may tinapos akong gawain. Pasensya na ha.”

  Umiling naman ito at umupo sa higaan ko. “It's soft and it smells wonderful in here.”

  Ayun naman ang sobrang totoo. Palagi ko kasing sinisigurado na mabango ang kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko sa isang maliit na desk at umupo sa tabi niya. Agad naman kaming napalayo sa isa't isa nang nagtama ang braso namin. Awkward.


  “Uhm so ganito kasi ang nangyare talaga. Diba sinabi ko sa'yo na aalamin ko kung bakit ayaw ni ma'am na isulat ko ang issues sa school? Nagtanong din ako kay Patrick, siya ang naglalayout, napag alaman kong sinabihan siya ni Ma'am na huwag e-include ang mga issue na magdadawit raw sa kasiraan ng school.” Kaibigan ko si Patrick na nasa grade twelve na ngayon. Pinahiram niya rin sa akin ang isa sa mga nagawa niyang paper na wala ang mga issues.

  “Issues na what ba?” tanong niya habang binabasa ang inabot kong paper.

  “Naalala mo ang hindi natuloy na Acquaintance? Diba sabi ninyo nag short sa budget, hindi ito pinabalita. Tapos 'yung about sa halos isang daang students na nareport na nabully, wala rin sa final papers. Tapos yung issue sa hindi pagpapatupad ng school rules properly, wala rin sa balita. Bakit nga ba? Dahil ipapasa ito sa mas mataas and baka may malaman silang hindi kaaya-aya na nagaganap sa school?” Tumikhim ako matapos ang speech ko. Lahat ng 'yun ay tinipon ko sa halos dalawang buwan na pag iimbestiga. Pati sina Ynnah at Sam ay tumutulong din. Feeling ko para kaming spy girls sa pinaggagawa namin.

  “Whoa, I didn't know that. I, as a student council officer, feel embarrassed na hindi namin natutukan ang mga ganyang issue. Pero hindi ba talaga ito pinapalabas? Tsaka, you're right about the first one. Si Sir Bob mismo ang nagsabi sa amin na huwag na raw mag party because it'll cost much. May mga pinagbawas din siya sa mga expenses, same excuses.”

  Ayun! So hindi lang pala sa acquaintance party.

  “Nakakapagtaka, diba? Tapos, ito ang narecord ko kanina.” Tumayo ako at hinablot ang cellphone kong nakacharge. Binuksan ko ito at niplay.

Makinig kang mabuti.”


  “Hi, Bobby, bakit ang tagal mo? Akala ko ba tapos ka na sa ginagawa mo?” Boses 'yun ni Ma'am Rev.

  “Pasensya na, tumawag kasi ang asawa ko. Kumain ka ba kanina?” Ito naman ang kay Sir Bob. Napangiwi kami ni Bridgette sa narinig.

  “Oo naman. Salamat sa pinadala mong lunch. Are you sure hindi tayo matutuloy sa beach getaway natin this sunday? Akala ko pa naman bibigyan mo na ako ng ti-”

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon