Ella
Tama nga sila at mabilis ang takbo ng panahon kapag masaya ka. Halos hindi ko nga napansin na ilang buwan na naman ulit ang nakalipas simula noong nag-date kami ni Bridgette sa tabing dagat. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa halik na nangyare. Kahit peck lang sa lips na nagtagal ng ilang minuto.
'Yung babae kasi na 'yun! Nag-uumapaw na nga ito sa ganda, nasobraan pa ata sa ka-sweetan ang katawan niya. Halos araw-araw nga itong nagpapadala ng corny selfie sa akin. Nakalagay sa mga captions kadalasan ay miss niya raw ako, mahal niya raw ako, gusto niya raw ako makita, at kung ano-ano pang kabaliwan na naiisip niya.
Hindi naman ako nag rereklamo, masaya nga ako kahit hindi ko ito masyadong ipinapakita. Nahihiya lang ako na ilabas lahat ng ito. Hindi ako sanay na maging vocal sa aking nararamdaman, kaya minsan ko lang ito sinasabayan. Hindi rin naman ata siya nagrereklamo dahil wala naman akong narinig na daing mula rito.
Halos kalahati sa school population ay may alam na sa pagliligawan namin ni Bridgette. Nahahati rin ang fandom namin. May fandom na nagmamahal, meron din nandidiri. As if may pake kami.
Isang beses pa nga may lalakeng nagtangka na mang-away sana sa akin. Sinigaw-sigawan ako ng tomboy, ending siya ang umuwi habang tinataboy. Maraming salamat sa aking mapagmagal na mga fanboys. Biniro nila ako na ang leader daw nila ngayon ay si Jonathan, ito ang pamangkin ni Ma'am Rev na tumulong sa akin noon. Napag-alaman ko rin na si Jonathan pala ang natulungan ko noon sa isang event habang tinutukso ng mga walang modong lalake. Malaki raw ang pagpapasalamat niya sa akin dahil naging daan daw ako sa pagpapalaki niya ng kanyang confidence sa sarili. Wala naman akong ginawa, pinagtanggol ko lang naman siya.
Ngayon ang alis namin papunta sa city para mag compete sa presscon. Candidate pa rin si Bridgette sa pageant at ako nalang at ang dalawa naming kasama ang mag che-cheer dito, dahil apat lang naman kami ang nakaabante sa next round ng contest.
Alas tres ng umaga ay isa-isa kaming sinundo ng van papunta sa port. Ang van din na ito ang sinakyan namin papunta sa city. As usual, magkatabi kami ni Bridgette sa likod at nasa harapang upuan naman namin ang dalawa pang contestant. Nasa kalagitnaan ng byahe ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo at lucky for me, nagdala si Bridgette ng extra lalagyan para sa suka ko raw. Halatang nag girl scout noong elementary.
Isinantabi ko muna ang hiya ko at hinayaan siyang tulungan ako. Ilang oras din ang ininda ko sa byahe bago ako napasigaw ng salamat. Natawa lang ang mga kasama ko na sinwerte dahil hindi mga nahihilo sa byahe. Kapag nawala talaga ang pagkahilo ko sa tuwing bumabyahe, pati Pluto pupuntahan ko ng naka-van.
Mas upgraded ang aming room dahil may mga folding beds na ito at may mga nakahandang gamit para sa aming stay. Si Bridgette ay naunang nagpaalam dahil may practice pa ito at ako naman ay nagstudy na para bukas.
Gabi na rin siya nakauwi at maaga na naming pinatulog. Nag request pa nga na itabi raw namin ang folding bed namin na hindi ko naman pinayagan. Alam ko na ang modus niya.
Maaga rin ito nagpaalam dahil mamayang nine ang contest nila. Ako naman ay alas syete pa naghanda dahil alas otso ang simula ng akin.
Habang nasakalagitaan ng contest, halos pigain ko na ang utak ko para mapabilis ang paglabas ng idea sa sinusulat ko. Gusto ko kasing matapos ng maaga para makaabot ako sa start ng pageant. Mabuti nalang at nagsimula ito ng late.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.