Ella
Halos tatlong linggo rin sila nag-practice para sa drama na ipapalabas bukas. Pagkatapos masulat ng script ay tinapon na ako ni Bridgette sa paggawa ng props kasama ang iba pang writers. Madala ko lang silang nakikita dahil magkaiba ang room na ginagamit namin. At dahil bukas na ang performance, ngayon ang day na kailangan naming ipatest ang props sa kanila.
Naglalakad kaming mga writers papunta sa stage kung saan sila nag e-ensayo para ipagamit na ang natapos naming props. Sa sobrang laki ng pinabitbit sa akin ay halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko.
Maingat kong hinawakan ang props habang naglalakad nang may biglang humarurot na motor sa harap ko. Nasagi nito ang nakapatong na props at nahulog.
“Ano ba! ”
Hindi ko muna pinansin ang nagsalita at mahina kong ibinaba ang ibang hawak kong props at agad na tinakbo ang cardboard na nasira.
“Ano ba 'yan! Nabasa pa tuloy ang iba, hindi ka ba nakatingin sa pinagpatungan mo?” inis na tanong ng nakabangga.
Nag angat ako ng tingin sa babaeng kakababa lang ng motor. Itong si Stella pala ang may kasalanan. “At bakit ka naman nagpapaharurot sa harap ko? Anong akala mo sa paaralan natin? GTA na pwede lang mandumog ng mga naglalakad? Si CJ ka ba? ” inis kong tugon, sabay pulot sa cardboard. Pagkalingon ko sa ibang props ay muntik ko na itapon ang sarili ko sa bangin. Basa nga 'yung napaglagyan ko ng ibang props. Hindi ko ata napansin kanina habang nagmamadali akong pulutin itong isa.
“Excuse me, ikaw ang nakaharang, kaya kasalanan mo. Tsaka, anong GTA pinagsasabi mo?”
Ang kapal naman minsan nitong si Stella. Siya na nakadumog, siya pa ata ang galit.
Nagsidatingan naman ang iba sa harap namin. “Hey, what's happening here?” Pagkatapos magtanong ay nalipat ang mata ni Bridgette sa hawak kong sira na props. “What in the world happened to that? Kailangan 'yang props ngayon. Bakit sira 'yan? ”
Ipinag-crus ni Stella ang kanyang kamay at inis na tumingin sa akin. “Itong si Ella kasi Bri, sobrang tanga. Kung hindi sana siya nakaharang, baka sana maayos pa ang props.”
Ang galing magsumbong, mali naman pinagsasabi.“Excuse me, ako pa talaga ang sinisisi? Ako kaya ang biktima. Sino ba ang muntik na makabangga?” Matalim ang binigay kong tingin sa kanya at nakataas naman ang kilay niya.
“Kung tumitingin ka sana sa dinadaanan mo, wala sanang nasira ngayon.”
Masama na rin ang timpla ng mukha ni Bridgette nang matanong ito, “So whose fault is this? Bukas na ang performance and kailangan natin ito!”
Sabay kaming nagturuan ni Stella.
“Ella, next time tignan mo na ang dadaanan m—wait, basa ba 'yan?” tanong ulit ni Bridgette nang makita ang mga nasa gilid ko.
“Oo, si Ella kasi hindi tumitingin sa pinagpatungan. Ayan tuloy!”
Nagtaas kamay naman ako. “In my defense, nagmadali akong kunin ang tinangay mo na props kaya huwag kang madaming comment diyan.”
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.