Ella
Sa dinami-dami ng pwedeng ipagawa sa mundo, ang pumasok lang sa isip ng PE teacher namin ay ang paikutin kami sa oval ng tatlong beses. Ang mas malala pa ay alas dos ngayon sa tanghali at sobrang galit ang araw na para bang pati siya ay naiinis sa PE teacher namin. Hindi pa nga ako nakaabot sa gitna ay tumigil na ako sa hingal. Ang ibang kaklase ko ay nakaikot na ng dalawa at ang iba naman ay tatlo. Habang ako, ito, gusto ko nalang maging alikabok sa mundo.
Nag whistle na ulit si Sir na nangangahulugang balik na naman sa pagtakbo kaya wala akong choice kung hindi pagalawin ang paa ko. Iniisp ko nalang na pag natapos ko ito ay may magsusubo sa akin ng isang toneladang ice-cream. At kung pwedeng mag request, si Gal Gadot sana, or kahit si Kathryn Bernardo. Pero kung wala, edi si Bridgette.
Speaking of Bridgette, hindi ko na talaga matanggi sa sarili ko na crush ko rin siya. Pinag-isipan ko ito ng maigi kagabi at inabot ako ng limang oras na nagresulta sa pagkapuyat ko. Kung noon paghanga lang as idol, ngayon naman ay kakaiba na. At ang mas malala pa, mas nagiging confident na ako sa paglapit kay Bridgette. Hindi naman sa hindi ako confident noon, pero ngayon mas touchy na ako sa kanya at naibabalik ko na rin ang mga yakap na ibinibigay niya.
Ilang araw na rin kami hindi nagkikita dahil busy siya kakapractice sa sasalihan niyang Ms. Journ competition this coming presscon. Pero nag-uusap naman kami sa call. Yes, call na dahil hindi niya raw kaya na hanggang chat lang kami. Ang echos talaga.
About naman sa kay Sir Bob, napapansin kong napapadalas ang pagbisita niya sa room namin. Para bang binabantayan ako. Hindi natuloy ang pag report ko eh kasi naging busy. Pero sure ball na ako bukas. Ang kailangan ko nalang ay ang makausap mamaya ang asawa niya. Napapansin ko rin si Ma'am Rev na palaging nakaabang sa akin sa gate. Baka may balak na namang manugod. Hindi naman ako takot sa kanila. Alam ko naman sa sarili ko na tama ang ginagawa ko. Ang mas masaya pa, may mga extra evidences na ako katulad ng records, documents, at pictures syempre. Nakuha ko pa nga ang cctv video sa Beach kung saan kami nagkasalubong nila Bridgette. All thanks to papa. Magkaibigan pala sila ng may ari kaya madali lang namin itong nahingi.
Naikwento ko na rin sa kanila ang balak kong gawin. Inabisuhan nila akong mag-ingat at huwag magpadalos-dalos sa ginagawa ko. Alam ko naman 'yun sa sarili ko dahil ayaw ko ring masira ito. Mas maayos na ngayon ang trato namin kay papa. Minsan pinapayagan ito ni Mama na matulog sa sala, pero kapag hating gabi naman, kahit ayaw kong i-confirm, may naririnig talaga akong gumagalaw na kama sa kwarto ni mama. Hindi na ako magtataka kung sa susunod na buwan mag a-announce sila na magkakapatid na ako.
“Ella Pasco! Pang anim na ikot mo na 'yan! Gusto mo bang mag jog hanggang bukas?”
Q Agad naman akong tumigil na agad ding nagpatumba sa akin. Nilapitan ako ng ibang kaklase ko na tumatawa at tinulungang tumayo. Ngumiwi ako sa naramdaman kong sakit sa buong katawan ko at hiniling na sana ay naging hotdog nalang ako. Pinag-cool down muna kami ni Sir bago inutusang bumalik sa room.
Si Cally, isa sa mga kaklase ko ang kasama ko habang naglakalad. Paika-ika pa rin ako dahil sumakit na ng todo ang paa ko. Hindi na natiis ni Cally at tinulungan na ako hanggang sa makaabot kami sa building. Sakto at dumaan rin sina Bridgette at Pen na parehong tumatawa. Si Pen ang unang nakapansin sa akin at halos takbuhin na ang distansiya namin.
“Ella banana! Namiss kita!” Muntik na kaming matumba ni Cally sa ginawa niyang pagyakap sa akin.
Narinig ko ang pamilyar na lakad ng nag-iisang Bridgette na nakatayo na ngayon sa harap namin. “Mag ingat ka nga, Pen! You could've hurt her.”
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.