Chapter Five

1.4K 74 18
                                    

Ella

  “Like sa gay ships?” tanong ko. Medyo naguguluhan sa kanyang sinabi.

  Tumango si Bridgette at namula. Aaminin ko na sobrang nasurpresa ako sa pag amin niya. Ayaw kong maging assuming, pero nararamdaman ko na kapuso ko itong si Bridgette.

  “I saw the pin in your backpack noon, then I got curious and searched about it. I watched a few fan made videos of them and I was surprised when I found out na they were a couple talaga. I thought you were lying kasi.”

  Binigyan ko siya ng I-told-you-so look. Bakit ba hindi naniniwala ang mga hetero na ito sa tuwing kinikwento ko na si PB at Marcy talaga ang nagkatuluyan?

  “Pero bakit ka ba curious?”

  “Ikaw? Why are you like that ba?”

  “Anong like that? Ano ba ako?”

  “Do you like girls?”

  Hindi ako nagdalawang isip na tumango sa tanong niya.

  “Why?”

  Kailangan pa ba talaga itanong? “Girls are pretty.”

   Mukhang nabigla pa siya sa sagot ko kasi natahimik siya. Bago pa ito magsalita, umamin na ako. “Miss Vice, I am queer girl.” Hindi ko alam saan nanggaling ang lakas ng loob ko na umamin sa kanya, pero I feel like she needs to hear it.

  “I-I am afraid na baka ako rin.”

  Kumunot ang noo ko sa sagot niya. “Ha? Anong afraid? Bakit?”

  “I don't know how to act like one!”

  Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya. Si Bridgette, ang prinsesa ng paaralan, ay natatakot kasi hindi niya alam kung paano umakto?

  “Sorry, hindi ko sinasadya na matawa. Ang akin lang, bakit ka ba natatakot eh hindi ka naman obligated na maging ladlad na queer sa buong isla. Tignan mo ako, lowkey homo.” Binigyan ko siya ng ngiti. Gumagaan na ang pakiramdam ko habang kasama siya, hindi na katulad noon na parang magtetest ako sa kaba kapag nasa paligid siya.

  “Really? How did you know ba na hindi ka straight?”

  Never in my life akong nag expect na makakausap ko si Bridgette at lalo na sa ganitong usapan pa. Tumahimik muna ako at umupo sa tabi niya. Kailangan ko ng Ari kind of energy bago magkwento. “Noong bata ako kinakasal ko ang barbie ko na laruan sa isa pang barbie. Noon din, naging adik ako kay Raven sa Teen titans. Kilala mo ba si Kim Possible? Super crush ko siya! Tapos iniisip ko, bakit hindi nalang nagkatuluyan si Vilma at Wendy sa Scooby-Doo? Bagay kaya sila.”


  “What? You really had that thoughts?”

  Tumango ako. Hindi lang naman siguro ako ang nag iisang may ganoong iniisip, diba? “Ikaw? Bakit ka biglang nagtanong?”

  Natahimik ito at mukhang malalim talaga ang iniisip.


  Marahan kong hinawakan ang kanyang braso para suportahan ito. “No pressure, Bridgette. Kung hindi mo pa kaya sagutin, okay lang.”

  “No, it's fine. I can answer it. I was just thinking,” sabi niya at huminga ng malalim bago nagpatuloy, “I was always curious noon. Pero I never gave into my curiosity, sinabi ko na baka mga thoughts lang ito na mawawala rin. Tapos I don't know any other queer people in here sa island. I know a few people who is in the community, but I never knew na there are girls like us. Also, with my status noon, I am afraid of what the others will say.”

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon