Ella
Halos hindi maipinta ang mukha ni papa habang nag dri-drive ito sa hindi ko matukoy kung saan. Si mama naman ay tahimik na katabi siya at nakatingin lang sa bintana na para bang malalim din ang iniisip. Nang makasakay ako ay walang tigil kong ni-text at chat si Bridgette dahil nag-aalala ako sa kanya ngayon. Alam ko kung gaano sila ka-close ng Mamita niya at nakita ko rin kanina kung gaano ito nasaktan sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Sana okay lang siya.
Ipinasok ni papa ang sasakyan sa isang hindi pamilyar na village at itinigil ito sa tapat ng isang malaking bahay. Matapos niyang patayin ang makina ay lumabas na ito, pati na rin si mama.
Sumunod ako sa kanila hanggang sa makapasok sila sa loob. Hindi ko mapigilan na lingon-lingunin ang paligid dahil sa paninibago. Malaki nga ito at may modern design ang sala, kung saan may maliit pang chandelier na nakasabit. Sosyal.
Umupo si Papa sa sopa at nagpakawala ng hininga. Napangiti naman ako sa isip ko nang maalala ko ang ginawa niya kanina. Hindi ko inakala na ipagtatanggol niya ako sa lola ni Bridgette. Hindi naman masakit ang sampal, parang notebook lang naman na naitapon sa mukha, pero halos magwala na si papa sa galit. Hindi niya talaga kami binigo sa sinabi niyang babawi siya at hindi na niya kami papabayaan.
“Bakit ba hindi kayo nagkwento sa amin?” biglang tanong ni Mama na kakatapos lang ata mag-isip.
Tumikhim ako at umupo sa tabi niya. Bago pa siya mainis o magbunton ng hinanakit, inunahan ko na siya sa pag-iyak. “Kasi naman, Mama! Alam mo naman kung gaano kami kaapi sa society. Ayaw kong itaboy mo kami ni Bridgette at paghiwalayin.”
Nabigla ito sa aking pag-arte pero agad din namang napagtanto ang ginagawa ko kaya mabilis niya akong binatukan. “Ella Pasco! Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na huwag mo akong pinag-loloko sa pag-iyak na 'yan!” Nakatayo na siya ngayon at nakahawak sa baiwang niya.
Ngumuso ako at pinahid ang luha na nasayang. “Sorry, ma. Gusto lang kitang pangunahan sa pag-iyak baka kasi pagalitan mo ako.”
Nanlisik ang mata niya at binatukan ulit ako. Aray ah, nakadalawa na siya. “Aba syempre magagalit ako! Tsaka, bakit ka ba natatakot na itaboy kita eh alam ko naman kung ano ka. Baliw ka talagang bata ka,” umiiling niyang saad.
Ngumiti ako at nilapitan siya para yakapin. “Sorry, mama. Hindi lang po ako ready na aminin sa inyo na ang dalaga n'yo ay may dalaga na rin. Tsaka, hindi ka ba nakikichismis? 'Yung iba nga diyan alam na kung ano ang meron sa amin ni Bridgette eh, sabi pa nga nila magtatanan na raw kami. Matuto ka kasi maging si Marites minsan.”
Mabilis niya akong kinurot sa tagiliran habang yakap-yakap pa rin. “Ang bibig mo! Anong Marites ang pinagsasabi mo? Bakit mo sinali ang lola mo?”
Nagpigil tawa naman ako. Oo nga pala, Marites nga naman pala ang pangalan ni Lola. “Mama naman. Nag jo-joke lang ako.”
Nagbuga ito ng hininga bago hinawakan ang mukha ko. “Masakit ba ang sampal?”
Umiling ako. “Parang notebook lang na hinampas sa akin ni Ynnah kapag naglalambingan kami, Ma.”
“Ewan ko sa'yo. Kung anu-ano lang talaga ang naiisip mong isagot.”
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.