Ella
Hinding-hindi ko talaga sinasadya na magsalita ng ganun kay Bridgette. Hindi ko rin naman kasi mapigilan ang bibig ko kapag naiinis ako. Noong umaga kasi ng araw na 'yun, may narinig kaming katok at akala namin ni Mama sila tita lang. Laking gulat ko nalang nang makita ko si Martin, ang ama ko, na naghihintay sa labas. Oo, hindi ko siya tinatawag na papa kasi nawala ang respeto ko simula nong nag desisyon siyang iwan kami ni mama. Sa dami ba naman ng araw, kailangan umaga at sa lunes pa siya lilitaw? Matapos ang halos tatlong taon na walang paramdam, bigla nalang babalik. Tinalo niya pa ang kabute sa biglaang pagsulpot niya.
Hindi ko siya kinausap kahit na nagmakaawa na siya. Kami ba noong nagmaka awa pinansin ba? Swerte niya mabait si mama at hindi siya kinaladkad palayo. Kung alam lang niya ang hirap na dinanas ni mama noong iniwan niya kami.
Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Bridgette. Simula kasi noong lunes hindi na siya lumapit pa sa akin. Ako naman ay hindi ko alam paano ba siya lalapitan. Palagi kaming nagkikita sa training namin, at kahit minsan ay hindi ko siya kinibo kasi nahihiya ako.
Bukas na ang araw na aalis kami papuntang contest venue na tatlong oras ang layo mula sa amin. Wednesday ngayon at two nights and three days daw ang stay namin doon. At kahit na excused kami sa klase ay mas pinili kong tumambay nalang sa room. Mas mabuti na rito, wala ako masyadong inaalala.
“Ella! Kung magdaday dream ka nalang the whole time, matulog ka nalang. Kanina pa kami tumatawag ni Sam sa'yo. Bingi ka na ba talaga?”
Naglipat ako ng tingin kay Ynnah na mukhang naiinis na. “Bakit na naman ba? Saan ka na naman ba pupunta at nanggagambala ka?”
“Bibili tayo sa labas. Andami mong reklamo, ililibre ka na nga.”
Ngumiti ako at agad na tumayo para sumama sa kanila. “Ano ililibre mo?”
“Yung hinuhulugan na tubig,” asar na sagot niya.
“Ikaw ihulog ko. Umayos ka nga.”
“Ang ingay ingay ninyong dalawa. Naglalakad nalang, nagbabangayan pa,” sabat ni Sam na nakatutok sa cellphone niya.
“Edi sumali ka rin. Inggit ka na naman kasi sa amin ni Baby Ella.”
Mabilis akong nakalayo nang akmang yayakapin niya ako.
“Hi!”
Napahinto kami sa paglalakad nang biglang sumulpot sa harap namin si Ate Penelope.
“Pen naman, ang bilis mo maglak-hey.”
Agad na nawala ang ngiti ko nang makita kong nakasunod si Bridgette sa kanya.
“Hi sa inyo! Saan punta?” Tanong ni Ynnah na lumapit pa lalo sa kanila.
“Sa classroom n'yo sana. May sasabihin kasi si Bri kay Ella.”
Agad na nabalik ang tingin ko kay Bridgette na ngayon ay nahihiyang tumingin sa amin.“Ano 'yun?” tanong ko. Kahit mukha akong naiinis, nagbabakasakali naman ako na sana ay magkaayos na kami para naman mabawasan ang awkwardness.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.