Chapter Thirty-seven

850 57 12
                                    

Ella

Habang naglalakad kami sa mga tindahan, hindi ko maiwasan na maisip ang nangyare kahapon sa school. Nakakabad trip talaga ang Angelo na 'yun. Maypa audience pa siyang nalalaman. Hindi niya lang alam na sa audience impact lang siya may score. Ang attention, likes, admiration, and pagmamahal ni Bridgette ay nasa akin na. Asa siya.

  Speaking of love, hindi ko inasahan na marinig 'yun kahapon kay Bridgette. Ang bigat ng word na love para ibigay lang biglaan. Hindi naman sa hindi ko pinapaniwalaan ang confession of love niya, pero ako ay naninibago lang.

  Mabuti nalang din siguro na in love na siya. Hindi na siya maagaw ng iba sa akin kahit wala pang kami. Kagabi habang nagmumuni-muni ako, napaisip ako kung anong kape ang nilalaklak ni Bridgette para magkagusto sa akin. Hindi sa pagmamayabang, pero maganda naman ako sabi ni mama. Ang hindi lang daw kaaya-aya minsan sa akin ay ang ugali ko. Pero parang wala namang problema roon si Bridgette. Mukhang nasanay na nga eh.

  Kinausap ko rin kanina si Sam at Ynnah, ikinwento ko sa kanila ang mga nangyare. Una, gusto nilang sugurin si Vivian para sampalin sa reyalidad. Pangalawa, nagsigawan sila sa pag-amin ng pagmamahal ni Bridgette. Pangatlo, napilit nila akong gawin ang never kong pinagarap na gawin. Ever.

  Ang manligaw.

  Sa bibig na nila mismo nanggaling na para raw maipakita ko rin kay Bridgette ang genuineness ko, manligaw daw ako. Kahit anong palusot ang sabihin ko, hindi nila ito pinapansin. Kailangan ako na raw ang kumilos bago may sumira ulit sa lahat. Kagaya ni Angelo.

  “Sure ba kayong effective ito?” tanong ko sa mga kaibigan ko.

  Tumango silang dalawa at binigyan pa ako ng thumbs up. Pumasok na kami sa nag-iisang flower shop sa bayan at namimili na ng bulaklak na ibibigay ko kay Bridgette. Ang gusto ko nga sana ay mamulot nalang sa mga makita ko, tapos ako nalang ang mag-aayos pero ayaw naman ng dalawa. Ang daming kaartehan talaga, sila paligawin ko eh.

  Bago kami pumunta rito, dinaanan rin namin ang cupcakes na hindi pinabayaran ng pinsan ko. Nakain namin ang tatlo kaya inayos nalang namin ang apat na naiwan. Ang sarap ba naman kasi.

  “Ano ba ang favorite flower ni Bridgette?” tanong ni Sam habang nagtitingin sa mga bulaklak na nakapwesto sa mga malalaking tub.

  “Hindi ko alam. Baka sunflower?”

  Mabilis na tumama ang kamay ni Ynnah sa bewang ko at kinurot ito.

  “Aray! Ano ba!” inis kong sigaw.

  “Akala ko ba magkakilala na kayo ng pinsan ko? Bakit hindi mo alam na ang favorite flower niya ay rose.”

  Tinaasan ko siya ng kilay. “Weh? Legit?”

  Tumango ito at lumapit sa samu't saring rosas na nakalinya. “Bigyan mo siya ng red.”

  “Red lang? Ang boring. Gusto ko sana gawing rainbow para pride,” sabat ko.

  Mabilis niya ulit akong kinurot na nagpa-aray na naman sa akin.

  “Umayos ka. Paano ka sasagutin ni Bridgette kung puro ka loko-loko?”

  Ngumisi ako. “Paano niya naman ako sasagutin kung hindi pa ako nagtatanong? Ikaw ang loko, Ynnah.” pang-iinis ko pa lalo.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon