Ella
Halos tatlong linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Bridgette. Walang chat, walang tawagan, wala kahit react sa mga shared post namin sa facebook. Minsan nga ay nagkasalubong kami sa gate, pero nauna akong tumingin sa kabila upang maiwasan siya. Aminado ako na namimiss ko ang babaeng 'yun, pero hindi naman ako baliw para maunang kumausap sa kanya. Kahit ilunod pa ako, hindi ako mag fi-first move.
Sabado ngayon at napag-desisyunan naming mag bonding nina Sam at Ynnah. Maaga pa lang ay sinundo na nila ako para pumunta sa bahay ni Ynnah kung saan magsle-sleep over kami dahil wala ang parents niya for two days. Medyo malayo rin ito sa lungsod kaya dumaan muna kami sa tindahan para bilhin ang mga pagkaing lulutuin at ihahanda namin mamaya.
Marami kaming plano ngayon. Mag mo-movie marathon, maliligo sa dagat na walking distance lang sa bahay ni Ynnah, mag luluto raw, at kung hindi namin ito magawa lahat dahil sa katamaran ay hihilata nalang kami.
Natagalan kami sa pamimili dahil si Ynnah at Sam ay sobrang mapili sa kukunin. Ultimong harina, kinukumpara pa nilang dalawa. Alas dose na nang makarating kami sa bahay ng kaibigan ko. Malaki ito at may second floor, bagong renovate rin kaya nanibago kami ni Sam nang makapasok.
Inilagay muna namin ang pinamili sa kitchen counter nila bago tumakbo papunta sa kwarto niya para mag relax. Sa sobrang init kasi parang puputok na ang utak kong nag-aapoy. Matapos magpahinga ay inihanda na namin ang higaan para mamaya sa movie marathon. Tatlo ang papanoorin namin at kada isa ay magpipili ng gusto nila. Ang pinili ni Ynnah ay ang The Fault In Our Star, para raw maiyak kami. Si Sam naman ay ang What Happened To Monday, dahil gusto raw niya ng action. Ang pinili ko naman ay ang But I'm a Cheerleader, dahil gusto kong matawa at ipapanood ito sa mga kaibigan ko.
Nagluto muna kami ng french fries, kung saan muntik nang matapon ang mantika dahil sa pag-aagawan nila sa lutuan, pati na rin ng pop corn na ang kalahati ay sunog, at ang cheese stick na siyang natama lang sa lahat.
Bumalik kami sa taas at inilatag ito sa kama na nakahanda. Binuksan na ni Ynnah ang TV at hinanap ang unang papanoorin namin, saka ito ni-play. Tahimik lang kaming tatlo habang nag aagawan ang kamay namin sa mga pagkain sa harap. Sa kakapanood namin sa movie na ito ay nasasabayan na rin namin si Augustus at Hazel sa mga linya nila. Naiyak ulit kami sa ending at hanggang sa pag roll ng credits ay sumisinghot pa rin kami.
“Bakit ba naman kasi pinatay si Augustus. Kawawa tuloy si Hazel,” wika ni Ynnah, at ininom ang hawak na juice
Nagpunas ako ng kamay sa inihanda naming tissue sa gilid bago sumagot. “Huwag ka raw magreklamo. Hindi ikaw ang author.”
“Aba! May karapatan ako mag reklamo dahil masuging tagapanood ako.”
“Kaya nga. Tagapanood ka, kaya manood ka lang. Ang dami mong komento, gusto mo naman ang naging ending.”
Inirapan niya ako at inilagay ang hawak na baso sa night stand niya. Si Sam na kanina pa nakatingin sa amin ay nagsalita na. “Itigil n'yo na 'yan. Ang ingay ninyo, pwede relax muna sa bangayan ngayon?”
“At least kami nag-iingay. Eh ikaw nga sa sobrang tahimik nag aalala na kami kung napapanis na ba 'yang laway mo,” sabat ni Ynnah.
Umiling lang ako sa dalawa at inabot ang tubig na nakapatong din sa night stand.
“Ella, hindi pa rin ba kayo okay ni Bridgette?”
Agad naman akong napa-ubo sa biglaang tanong ni Sam. Mahinang tinapik ni Ynnah ang likod ko at inagaw ang tubig na hawak ko para ubusin. Parang tanga lang.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.