Chapter Nineteen

950 63 10
                                    

Ella

Isang week na akong nagkukulong at hindi nakikipag usap sa mga kaibigan ko. Alam naman nila Sam at Ynnah ang nangyare. Alam nila kung gaano ako kasensitive kapag si Martin na ang topic. Hindi lang ako nag expect na makikita ko siya roon sa party ni Bridgette, at mas lalong hindi ako nag expect na magkakilala pala sila ni Bridgette at ng parents niya.

  Naikwento ko ang nangyare kay mama na medyo nagulat din. Alam niya raw na magkaibigan ang Papa ni Bridgette at si Martin noon pero hindi niya alam na naging close daw pala ito.

  Kahit ayaw sabihin ni mama, alam ko na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa sa amin nang lalakeng 'yun. Madalas kong naririnig noon ang pagiyak ni mama habang nagtatanong kung ano ang kulang sa kanya, kung bakit siya iniwan bigla. Kahit ngayon ay halata pa rin sa mata niya ang sakit kahit ayaw niya itong aminin.

  “'Nak? May gagawin ka ba mamaya?”

  Umiling ako sa tanong ni mama. Nasa sala kami ngayon, nakaupo at nanonood ng palabas sa telebisyon habang nagkakape. Christmas break na namin at walang pasok si Mama kaya ito kami ngayon, nakatunganga.

  “Wala po. Bakit?”

  “Pwede mo ba itong ihatid sa bakery ng tita mo? Sumasakit kasi ang paa ko, hindi ako makapag drive.”

  Tumango ako at kinuha ang iniabot niyang sobre. Malapit lang naman ang bakery ni Tita sa bahay. Pwede ko lang lakarin dahil two blocks away lang naman ito.

  Pagkatapos maligo at mag ayos ay lumakad na ako para ihatid ang ipinapabigay ni Mama. Paliko na ako sa kanan nang biglang sumulpot ang pamilyar na sasakyan nina Bridgette. Hindi ko na sana ito papansinin nang tumigil ito sa tapat ko. Nagbaba ito ng bintana at nakangiting tumingin sa akin.

  “Hey! I was about to go to your house.”

  Nagpakawala ako ng hininga at binigyan si Bridgette ng ngiti. “May pupuntahan pa ako. Inutusan ako ni Mama,” wika ko sabay angat sa sobre.


  “Ohh. Pwede kita ihatid-I mean, ipahatid.”

  Umiling ako at tinanggihan ang offer niya. Kahit na maganda itong sakyan, wala rin akong magagawa kasi wala pa ako sa mood.

  “Pwede ba ako sumama sa'yo? I just want to talk to you.” Lumabas na ito sa sasakyan at wala na akong magawa kung hindi pumayag. Pinauna na niya ang nag drive at masayang bumaling ng tingin sa akin.

  “Thank you! Akala ko hindi mo parin ako kakausapin. I've missed you.” Nagulat ako sa biglaang pagyakap niya na agad din namang kumalas.

  Napapadalas na talaga siya sa pagyakap, mga dalawa-tatlo? Ewan.

  “Bakit naman kita hindi kakausapin?”

  “Well, you didn't replied to my chats even if you shared some memes. No worries, alam ko na you need time to digest sa mga nangyare.”

  Ahh, oo nga pala. Nidelete ko ang messenger ko kasi naiinis ako sa mga nagchachat.

  “Sorry, ni-uninstall ko lang ang messenger ko kasi ang ingay.”

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon