Chapter Thirteen

1K 73 9
                                    

Ella

Napaghahalataan ko na talaga si Bridgette. Palagi ba namang sumusulpot tuwing may ginagawa ako. Tapos kapag uwian, bigla siyang nagpapakita para raw sabayan ako. Minsan kapag lunch time, pinupuntahan ako para ibigay ang lunch daw na pinaluto niya para sa akin. Ayaw niya pa talagang umamin na gusto niyang maging part ng spy team ko. Kung sinabi niya derekta ay hindi naman ako tatanggi, bakit kailangan maypa ganun pa?

  Huling kita ko sa kanya ay noong pinadalhan niya ako ng snacks para raw hindi ako magutom. At hindi ko rin maalis sa isip ko ang mga binibigay niyang pagngiti at makahulugang tingin.

  Bakit ba kasi ang ganda niya?

  Friday ngayon at may meeting kaming gagawin para sa club presentation kasi malapit na raw ang fiesta. Tuwing fiesta ay may ginagawang program ang school namin kung saan magprepresent ang mga clubs ng napili nila sa gymnasium at ginagawan ito ng rank from best to not that best. This year, napagpasyahan ng writers at drama club na mag collab sa isang drama na isusulat ng writers club. Nakagather kaming lahat sa room upang mag decide kung ano ang isusulat namin. Marami rin ang members ng drama club kaya nagsisiksikan kami. Luckily, kasali sa club si Benj na kaibigan kong taga kabilang section. Pero ang hindi nakakatuwa, andito rin si Ynnah na kanina pa walang tigil sa pagdaldal sa akin.

  “Kapag talaga ginaya na naman nila ulit ang Romeo at Juliet na flow ng story, magpapasagasa na ako sa labas,” bulong ni Ynnah.

  “True! Hindi ko keri ang ginawa nila last year, girl. Kaya hindi ito nananalo,” bulong naman sa amin pabalik ni Benj.

  Nagtaas ako ng tingin sa dalawa. “Ano ba gusto ninyong story? Suggest ninyo mamaya.”

  “Gusto ko 'yung mala Bird Blindfold!”

  Pinagsasabi nitong si Ynnah?

  “Girl, anong blindfold? Gawin kitang ibon diyan. Mas maganda kaya kapag fresh from reality at kakaiba ang isulat nila. Bet ko sana na isali ngayon ang LGBTQ.”

  Tumango ako sa suggestion ni Benj. Tama nga siya. Palagi nalang hindi pinapansin ang stories na ganito dahil hindi raw maganda. Aarte nila, puro naman gusto 'yung storyang kawawa ang babae tapos may mayaman na lalake na maiinlove at maghihiwalay dahil maykabet amputa.

  “Pero sana 'yung hindi na palaging bestfriend. Mas maganda naman sana na ipakita nilang bida ang mga ito. Nakakasawa na palaging sprinkles lang tayo sa story nila,” sagot ko.

  Alam ni Benj ang sexuality ko. Napagkwentuhan namin ito noon, kung paano ang struggles and ang mga nafefeel namin kaya sobrang open kami sa tuwing topic na ay ganito.

  Biglang natahimik ang room nang may pumasok. “Hello! Sorry natagalan kami ni Stella. Let's start the meeting na?” pawisang tugon ni Bridgette.

  Si Stella ang President ng drama club. Isang grade twelve student na sa sobrang competitive, lumalaban pa rin kahit walang laban.

  “Alam n'yo naman siguro kung bakit tayo nandito. As planned, the writers and the drama members will have a collab this year. Writers will be assigned to different tasks and ganun din sa members ng drama. Pero before we give each one of you your tasks, pag uusapan muna natin ang story na isusulat natin. I want us all to have a part and say sa gagawing script para masaya,” explain ni Bridgette.

  Tumango ang lahat sa sinabi niya kaya kumuha ito ng chalk at ipinasa sa secretary. “Okay, so any suggestion ng story na pwede nating gawin?” May tatlong kamay na nagtaas, at napansin ko na ang isang iyon ay kay Ynnah.

  “Great! Pakinggan natin ang suggestion ninyong tatlo. Mauna ka Faith,” wika ni Bridgette at tinuro ang babaeng nakapwesto sa unahan.

  “Gawa po tayo ng love story na katulad nina Romeo-”

  “Boring.”

  Napatango naman ang karamihan sa sinigaw ng lalakeng nakaupo sa gilid namin nina Benj.

  Mukhang hindi nagustuhan ni Bridgette ang komento kaya sinamaan niya ng tingin ang pumutol. “Thank you, Faith. Tyrone? May maisusuggest ka ba na ipapalit sa sinabi ni Faith?”

  Okay, si Tyrone pala ito.

  “Hindi ito original na idea ko. Narinig ko lang sa nag uusap dito sa gilid ko.” Lumingon ito sa amin, at saktong nagtama ang mata namin kaya nag wink ito bago nagpatuloy, “Masaya sana kung imungkahi naman natin sa story natin ang mga taong parte ng LGBTQ community. Hindi as side character, but the main one.”

  Agad na napalingon ang lahat sa kanya. Pati siguro sila naintrigue rin.

  “That's actually a good idea. I'll get back to you later, gusto ko marinig ang side mo, Jane.” Itinuro ni Bridgette ang babae na nakaupo sa likuran ko.

  “Ako po ang gusto ko lang po isuggest ay sana gawin nating dalawa or tatlo ang main character. Since marami po tayo ang sasali at magsusulat, mas maganda kung ganun ang gagawin natin.”

  Tumango ako at ang ibang kasamahan. May point siya.

  “That's an amazing idea. I can see na almost lahat tayo nag - agree. Ikaw ba, Ynnah? Anong isusuggest mo?”

  Umiling ito at naupo sa mesa ng armchair namin. “Wala, inagaw na ni Tyrone. Credits sa amin ni Benj at Ella. Yay! Pride!”

  Natawa ang mga kasamahan namin habang ako ay napailing lang. Minsan hindi ko na gustong angkinin itong kaibigan ko.

  “Ohh, okay. Anyway, may gusto ba kayong idagdag?”

  “Wala po akong idadagdag, pero tama sila sa suggestion nila.”

  Tumango ulit ako sa narinig. Muntik naman akong maubo nang bigla akong tinawag ni Bridgette. “Ella, as one of the writers, may isusuggest ka ba?”

  Bakit naman ako ang tinawag? Hindi naman ako nagtaas kamay. Patay ka talagang London bridge ka. Nag-isip muna ako saglit, bago ibinuka ang bibig ko. “Meron po. Mas maganda sana kung gawin natin ang suggestion nilang lahat. Love story, pero hindi sa dalawang straight couple lang. Gawin nating apat or lima ang couples. Mas maganda rin kung each of them represents something in the community. Hindi lang ito fresh sa mga manonood, maganda rin na magbigay aral tayo sa kanila.”

  Tumaas ang kilay ni Stella sa akin na para bang may mali sa sinabi ko.

  “Paano kung mabored sila? Ano ang gagawin ninyo roon? Mag brebreakdance?” tanong niya at tumayo pa.

  “Hindi sila mabobored kung maganda ang flow at ang acting. Bakit? May maisusuggest ka bang ibang gawin, Stella?" tanong ko naman pabalik. Natahimik ang lahat at pati si Bridgette ay natigil rin sa kakagalaw.

  “Oo. Mas masaya kung ang gagawin natin ay ang nakasanayan. Wala namang manonood sa boring na presentation kung nagtuturo lang kayo.”

  At thus point, medyo naiinis na ako. Kaya lumunok muna ako bago sumabat, “You missed the point of creative drama here. Hindi natin pwede ulit-ulitin ang mga bagay na nakakasakal na sa manonood. Kung gusto mo naman pala mag Romeo and Juliet, bakit pa kayo nakipag collab sa writers?”

  Nakarinig naman ako ng palakpak sa gilid ko na galing pala kay Tyrone. Itong isang ito kanina pa nakikisabay sa mga nasasalita, baka gusto niya rin sumama sa usapan namin ni Stella?

  “Tama! Bakit ka ba against sa idea nila? Ang ganda kaya, breath of fresh air!” sabat ni Ynnah.

  Nagsitanguan ang mga kasama namin at ang iba ay pumalakpak pa.

  “Stella, hindi naman sa against kami sa Romeo and Juliet ninyo. Maganda ang play, pero ang purpose na nakipag collab kayo ay upang maipakita ninyo ang ganda ng drama and writing sa madla,” kalmado kong sabat. Napansin kong tumaas ang kilay niya bago umupo ulit.

  “Naks, palaban ang bakla!” bulong ni Benj.

  Ngumisi lang akl sa kanila. It's time na for a change kaya isusuggest ko talaga ang makakapagpabago.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon