Chapter Sixteen

910 74 4
                                    

Bridgette

Kakatapos lang ng last practice namin para sa performance bukas. Hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako sa ginawa ko kanina. I didn't mean to blame her sa lahat. I was just mad and tired. Totoo na kailangan ang hawak niyang props, pero ilang araw na rin kasi ako nabadtrip dahil sa closeness nila ni Tyrone.

  Pagkaalis niya kanina ay agad akong nag announce ng break upang magpakalma. Hindi ko rin pinansin si Stella na kanina pa ang tawag sa akin. Naiinis din ako sa kanya . Bakit ba kasi nanaig kanina nag selos ko?

  “Cousin, pwede ba kita makausap?”

  Tumango ako kay Ynnah. Magkasama kami sa loby habang naghihintay sa Daddy niya na susundo sa amin. May dinner kasi sa bahay nila at nauna na sila Mommy at Daddy roon.

  “Ang gago mo kanina kay Ella. Hindi porket cousin kita ay papalagpasin ko na ang pagpapaiyak mo sa kaibigan ko. Alam mo ba na naiyak siya habang tinatapon ang props?”

  My face fell at what she said. She's right about the gago part. Wala akong right na magsabi kay Ella ng tamad dahil marami rin silang ginagawa. I just can't help myself kanina.

  “Kaya nga. You're right. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko kanina na mainis. Alam mo naman how I go crazy kapag may nangyayareng hindi ayon sa plan,” I lied. Ayaw ko naman sabihin na nagseselos ako sa mga nangyare noong nakaraang araw.

  “Kahit na. Wala ka pa ring karapatan para pagsabihan ng ganun si Ella. Naiinis din ako sa'yo, Bridgette. Mag sorry ka sa kaibigan ko. Nakakatakot pa naman 'yun kapag galit.”

  “I don't know how to do it. Any advise?”

  “Huwag mo lang siya inisin lalo. Tsaka magsorry ka sa harap niya. Huwag sa chat, ha?”

  I nod at her. Hindi nagtagal ay sinundo na rin kami at nag dinner na. Pagkatapos kumain ay agad akong nakapag isip ng plano. Nagpaalam ako sa parents ko na may importante akong pupuntahan and nagpadrive na papunta sa isang food stall upang bumili ng pagkain. It's almost nine and I don't know if she's awake pa ba but I hope she is.

  Pagkarating ay agad akong dumeretso sa pintuan nila dahil bukas pa naman ang gate. Binuksan ito ni Tita na gulat sa pagdating ko. Nagbeso muna kami at pinatuloy niya na ako.

  “Is she awake pa po ba?” I asked, as Tita guided me inside.

  “Oo, nasa kwarto siya tinatapos ang props daw na gagamitin para bukas. Kakauwi lang din ni Tyrone, 'yung kaibigan niya raw na tumulong sa kanya. Bakit ka ba napagala dito ng gabi?”

  Tyrone? That guy again? Bakit kailangan niya magpa-epal sa buhay ni Ella. He's so annoying.

  “I am here to say sorry sa kanya po. May nagawa kasi ako kanina na hindi maganda. Also, I will help her finish what she's doing po para mapadali.”

  Tita didn't ask me any more questions. She just nodded and smiled as she let me go to Ella's room. I'm glad hindi nagalit si Tita na malaman na may ginawa ako kay Ella. I don't know what to do pa naman if ever she got mad too.

  I didn't knock on her door. Sabi kasi ni Tita na buksan ko nalang daw para hindi na magambala sa pagtayo si Ella. Which is good kasi baka hindi niya ako pagbuksan if she hears my voice.

  “Hey,” mahina kong bati as I entered her room.

  “Tyrone? Akala ko ba nakau-anong ginagawa mo rito?”

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon