Ella
Habang nagdidilig ng halaman ni Mama sa labas, hindi ko mapigilang mapangiti sa mga nangyare nitong nakaraang araw. Noong lunes nagulat talaga ako sa paregalo niya. Kahit nga ang mga kaklase ko napachismis kung bakit raw ako binigyan. May mga pagkain, inumin, notes, pocket notebook, at ballpen ito. At ang mas nakakakilig, kahit ayaw kong aminin, ay ang small jar na nilagyan niya ng small rolled papers. Instruction sa jar ay kumuha raw ako every morning before class. So far may lima na akong nakuha at puro sila pampalakas ng loob para hindi maging tamad. Alam na alam talaga, Bridgette.
Naabutan ako ni Mama na nakangiti pero hindi naman siya nagkomento at pumasok lang sa bahay para ipasok ang pinamili niya. Maya-maya pa ay magliligpit na sana ako para samahan si mama sa loob nang may humintong sasakyan sa tapat namin. Pamilyar ito, para bang nakita ko na.
Dahan-dahan itong nagbukas at lumbas dito si Sir Bob. Naka-suot siya ng cap at shades kaya hindi masyadong kita ang mukha niya. Napansin niya kaagad ako kaya tinawag niya ako papalapit sakaniya.
Kahit hindi sigurado, lumapit ako. “Bakit po, sir? May kailangan kayo?”
“Hindi ko na papahabain pa ito. Magkano ang gusto mo para manahimik sa nakita mo?”
Ilang segundo pa bago ko napagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Kunwareng nalilito, sumabat ako, “Hindi ko po alam ang tinutukoy ninyo, sir. Pero kung mamimigay ka ng pera, bakit aayaw pa ako?”
“Hindi ako nakikipag biruan sa'yo. Alam kong may balak kang gawin. Ikaw 'yung sumilip sa amin noon ni Rev sa classroom. Ikaw din ang nanghihingi ng impormasyon sa loby na pinapasangil mo sa writers club na 'yan. Sagutin mo ako, ano ba ang balak mo?”Napalunok ako sa seryosong tono ng boses niya. Hindi naman talaga siya nakakatakot pero mukha lang siyang matanda na nakahuli ng magnanakaw.
At dahil hindi ko alam ang isasagot, at ayaw kong mabuking pa lalo, sumabat ako, “Ang balak ko po sana sir ay magligpit na dahil kakain pa kami ni mama. Ikaw, sir? Ano ang balak mo?”
Mas lalo ata itong nainis dahil nakita kong ipinagsiklop niya ang kamay niya ng may pwersa.
“Umayos ka o hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin.”
Aba! May gana pa siyang manakot. Sorry nalang siya dahil ang turo ni mama sa akin ay sa Diyos at sa sermon niya lang daw ako matakot.
“Sir, kung ano man po ang problema mo, wala na ako dun. Makakaalis ka na po,” mahinahon kong sagot.
Huminga ito ng malalim at biglang kinuha ang siko ko at hinawakan ng sobrang higpit. Aray naman.
Galit na ata siya ngayon dahil ang dami ng hangin na lumalabas sa ilong niya. “Kapag hindi mo itinigi-”
“Hoy! Anong ginagawa mo sa anak ko?”
Nagulat kaming dalawa sa biglaang pagsulpot ng isa pang epal sa buhay ko.
Lumapit ito sa amin kaya agad binitawan ni Sir Bob ang siko ko. Namula ito at sobrang klaro ng hand mark niya na ikinainis ata ng nakakita.
“Sino ka? At anong ginagawa mo rito?” galit na saad ni Martin sa kanya. Imbes na sumagot, tumalikod ito at pumasok na sa sasakyan niya sabay paharurot palayo.
BINABASA MO ANG
This Is Not Strange
Teen FictionTwo girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The image of the book cover is from pinterest. Credits to owner.