Chapter Thirty-one

837 62 2
                                    

Ella

Maaga akong nagising dahil sa sobrang excited ko sa alis namin mamaya. Nakahanda na ang gamit at pati na rin ang sarili ko sa pag salang bukas sa contest. Matapos maligo ay pinilit ako nina mama at papa  na kumain. Simula noong araw na muntik na akong mapadala sa center, napagdesisyunan nilang magsama ulit. Ang bilis nga eh dahil magkasama na sila ulit sa kwarto. Masaya naman ako para sa kanila dahil matagal ko rin inasam na magkaayos kami. Hanggang ngayon ay bumabawi pa rin naman sa amin si papa, palagi rin itong humihingi ng tawad kapag naiisingit niya.

  Pagkatapos naming kumain ay hinatid nila ako sa paaralan at pinabaunan pa ng mahabang leksyon na huwag daw ako pumasok sa kahit anong gulo. As if.

  Naabutan ko si Ari na nakaupo sa gilid at nakatutok sa isang notebook. Nilapitan ko ito at nagtanong, “Anong ginagawa mo?”

  “Nagre-review ako. Balita ko bago na naman daw ang mag ju-judge. Kailangan ko seryosohin itong sinalihan ko eh.”

  Tumango ako at tahimik na naghintay sa tabi niya. Ilang minuto ay nakita kong papalapit ang dalawang kaibigan ko na agad tumakbo nang makita ko.


  “Mamimiss ka namin!”

  Mabilis akong nakaiwas sa yakap ni Ynnah na ikinainis niya.

  “Huwag ka mangyakap, para kang tanga,” biro ko sa kanya.

  Ngumuso ito. “Ang OA mo talaga. Ang iba nga riyan pinagdarasal pa ako para lang mayakap, tapos ikaw ganito.”

  “Kung ang iba pinagdarasal na mayakap ka, ako naman ay pinagdarasal ko na sana tumahimik ka. Ang aga-aga boses mo agad ang umaalingaw-ngaw sa paligid.”

  Si Sam na kanina pa nakatayo at nanonood ay nag desidedo nang mag salita. “Itigil n'yo na 'yan mga bata. Ang sakit na sa tenga ng away ninyo.”

  “Edi wow, Ma,” sabat ni Ynnah at tumingin ulit sa akin, “Huwag mong kakalimutan na i-cheer si baby loves mo, ha?”

  Namula ako sa sinabi niya. Pagkatapos kasi noong araw na nakalabas ako ay hindi na nila ako tinigilan sa pagpapaamin. Ikinwento ko sa kanila ang lahat, pati na rin ang growing feelings ko kay Bridgette. Nangako naman ang pinsan niya na hindi raw magkwekwento at itatago lang daw ito dahil alam niya naman na hindi pa ako ready.

  Masaya rin ako sa naging outcome ng gift ko. Kagabi kasi, nag chat siya at sinabi niya kung gaano siya kasaya sa naging regalo ko. Hindi naman 'yun mamahalin dahil wala pa akong ipon, pero ang saya lang dahil nagustuhan niya ito. Nag send pa nga siya ng selfie habang nakasalpak sa tainga niya ang earphones. Kahit anong pose talaga ang gawin niya, ang ganda niya.

  Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang dalawa at ipinatawag na kami para sumakay sa bus na maghahatid sa amin papunta sa port. Magkatabi ulit kami ni Ari na hanggang ngayon ay babad pa rin sa notebook na hawak. Matapos ang isang oras ay bumaba na kami upang sumakay sa shuttle. Isang oras lang naman ang tinagal bago kami nakarating sa kabilang port kung saan may tatlong Van na naghihintay sa amin. Isang oras ulit ang tinagal ng byahe, at mabuti nalang ay nakatulog ako kaya naiwasan ko mahilo. Nag chat din si Bridgette sa akin, nangumusta sa byahe. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti habang nagbabasa.

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon