Chapter Fourteen

948 73 7
                                    

Bridgette

I should've been busy asking questions kahapon pero naiinis ako sa isang tao. The way he smugly smile noong nag wink siya kay Ella. Akala niya cute siya? Heck! He doesn't even know how to wink. Nagsabay ang dalawang mata niya, kaya para siyang tanga.

  I also can't stop thinking about Ella's suggestion. She is right. Mas maganda ang breath of fresh air sa ipapalabas namin. The meeting surprisingly went well and nag decide kami na mag meet this Saturday to write our script. It's nine in the morning and marami na ang tao sa loob ng room when I entered. I placed my laptop on the desk and smiled at everyone.

  “At dahil nag agree na tayo sa story. We will talk about the characters today. May limang main couple tayo. Si girl and guy, girl and girl, guy and guy, an asexual and a girl, and our trans man and man. We'll be picking characters na gaganap.” I took a chalk and called the secretary para ipasulat sa board ang mga roles.

  “For the guy and girl couple, sino ang gusto ninyong gumanap?” I asked. Lots of hands were raised kaya inisa-isa ko. We continued to do this hanggang sa matapos na kami sa lahat ng characters. Hindi naman kami nahirapan kasi they cooperated agad sa pagpili. I'm surprised nga na pinili ako and Stella sa girl to girl role. They said na bagay raw kasi kami dahil marunong kami mag act.

  “So we have Ali and David, Benj and Tyrone, Me and Stella, Ynnah and Denise, tapos si Josh and Vin.” I called them all to sit in the front with me. After choosing other characters, hinati na rin namin ang mga writers para sa magsusulat ng flow. Expected na sa Monday dapat done na ang script kaya maaga ko silang pinauwi, except kay Ella. I called her bago pa siya lapitan nung Tyrone na kanina pa nakikipag usap sakaniya.

  “Thank you for your suggestion. Sobrang excited ako sa magiging result. I bet marami ang magkakagusto sa play natin, ” I said, walking closer to where she is standing right now.

  “Wala 'yun. Masaya akong nagutuhan nila.”

  I nod. Her ideas talaga is always good, mas lalo tuloy akong nagkakagusto. “How are you pala?” I ask, tucking my hair behind my ear.

  Taka itong tumingin sa akin. “Grabe, Bridgette. Nag usap lang tayo kahapo-wait a minute. May kasalanan ka sa akin kahapon!”

  Kasalanan? I don't recall doing anything to her kahapon. “Huh? What kasalanan?”

  “Baliw ka! Tinawag mo pangalan ko eh hindi naman ako nag taas kamay. Bakit? Ha? Nakipagsalitaan pa tuloy ako kay Stella. Akala mo naman talaga ayaw niya sa story, sobrang excited naman palang mag play as one of the characters. Arte niya, nakakagigil.”

  I frown a little at her, wondering kung bakit siya naiinis. “Ayos ka lang ba?”

  “Oo! Kahapon, hindi noong una pero nawala rin naman. Gusto ko lang malaman mo na nainis ako sa'yo mga isang segundo kahapon dahil sa pagtawag mo.”

  Ohh, I remember na. I called her kahapon para hindi na siya magtulala. Napansin ko kasing lumilipad na naman ang utak niya. “Sorry. I just want to hear your thoughts talaga. Bawi ako sa'yo, libre kita pizza.”

  Agad na nagbago ang facial expression niya at masayang lumapit sa akin. “Sa Bantayan ba? Mag jejeep tayo?”

  I can easily call Kuya Pot to drive us pero gusto ko ang idea na kasama si Ella sa jeep so I nod. It's almost an hour away kasi kabilang bayan na ito kaya kailangan talaga naming maghanap ng sasakyan. We walk together papunta sa paradahan ng jeep and luckily, may isang paalis na.

  “Ayos lang ba na gumala ka, Bridgette? Hindi ka ba papagalitan?” she ask.

  I shook my head and smiled. “Nah. Wala naman akong gagawing kalokohan kaya okay lang gumala. Ikaw ba? Hindi ka naman siguro papagalitan ni Tita?”

   Umiling din siya sa akin.

  “Great!”

  Magkatabi kami at unti-unti na napupuno ang loob kaya mas lalo pa kaming napadikit sa isa't isa. After a minute, kinalabit niya ako and inoffer ang isang kahati ng earphones. I smile and took it because I don't want to miss my chance on having a sweet moment with her. Magaganda ang songs na nagshuffle, ang ganda ng music taste niya.

   Around twelve na kami nakarating sa Bantayan and dumeretso agad kami sa kilalang pizza store here. Dalawang pizza ang inorder namin. Hawaiian for Ella, beef and pepperoni naman sa akin. Naka pwesto kami sa chairs malapit sa window kaya nakikita namin ang sapa sa side lang ng store. Ella is busy roaming her eyes around, while I'm checking my phone if there's any messages.

  Bigla nalang ito nangalabit sa akin. “Bridgette, huwag ka maingay. May napansin ako sa gilid natin. Sa pinaka punta ng mga tables sa labas, makikita mo sina Sir.” She used her lips to point outside kaya sinunod ko ito and I almost fall because sila Sir Bob and Ma'am Reb ito.

  “What in the world are they doing here?” I asked, peeking at their side again. Nagtatawan sila habang kumakain, and Sir Bob is holding her hand on top of the table pa nga.

  “Kumakain ata. Wait, kailangan ko sila makuhanan ng litrato. Magagamit ko ito.” Ella slowly lift up her phone to take shots na sana ay hindi blurry. “Pang evidence. Baka may mangyare eh.”

  I gave her a serious look. Kinakabahan na kasi ako sa mga pinaggagawa niya. “Baka mapahamak ka sa pinaggagawa mo.”

  “Anong gagawin nila? Ibabagsak ako? Tsaka, hindi ako mapapahamak kung walang makakaalam.”

  “Be careful lang, I don't want you to get in trouble.”

  Tumango lang siya. Maya-maya pa ay hinatid na ang order namin at tahimik namin itong inubos. Nakaalis na rin sila ni Sir na hindi kami napansin. Ella insisted na magbayad sa drinks while akin naman ang pizza. Ayaw ko pa nga pumayag pero she threatened me na iiwan ako kung hindi ako papayag kaya wala na akong magawa kung hindi mag yes.

  Nakababa na kami sa store at hanggang ngayon nakanguso pa rin ako.

  “Bridgette, joke lang 'yung iiwan kita kanina. Gusto ko lang talaga makipag hati ng bayad. Ang mahal kaya ng pizza, huwag ka na mag pout diyan. ”

  I nod and continue walking. We decided to stop on their plaza to rest muna sa bench nila. “Pero next time, pag sinabi kong libre ko, libre ko dapat. Same pag ikaw magsasabi,” I said.

  Nag-salute ito at ngumisi. “Yes, boss! Pero paano kung hindi ako manlilibre?”

  “It's up to you. Basta ako manlilibre ulit ako. Do you want to eat ice-cream?”

  Umiling siya at hinawakan ang tiyan. “Kawawa pa ang organs ko. Baka mapressure sila sa pagtunaw. Mamaya nalang kapag hindi na ako busog.”

  “Okay. Anyway, I have a question pala.”

  “Ano 'yun?”

  “Are you close with that Tyrone guy?”

  She looked confused for a moment before shaking her head. “Hindi naman. Nakikita ko lang 'yun nagmomotor papasok at pauwi. Bakit? Crush mo?”

  I furiously shook my head sa tanong niya. “Goodness, no! I was just asking if you know him kasi kahapon pa siya dikit nang dikit sa'yo.”

  “Selos ka?”

  My eyes widen at her question but I stay rooted in my position.

  “Joke lang. Baka dahil wala siyang ibang kaclose sa club kaya gusto niyang makipagkaibigan. May problema ba?”

  “Nothing. I'm just curious.”

  She didn't say anything, but stared at me. I can feel my cheek heat up sa ginawa niyang pagtingin sa akin.

  Gosh. How can she have this effect on me?

This Is Not Strange Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon